Showbiz News

WATCH: Pinoy Sambo Team, nagpakitang gilas sa 'Unang Hirit'

By Dianara Alegre

Bumisita ang Pinoy Sambo Team medalists sa Unang Hirit, ngayong umaga, Disyembre 10.

Pitong medalya ang nasungkit ng grupo na nagpadagdag pa sa mahigit 300 medalyang nakuha ng Team Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games.

WATCH: Filipino SEA Games medalists, pinarangalan sa 'Unang Hirit'

Kabilang sa mga bumisitang atleta ang mga gold medalist na sina Mark Striegl at Chino Sy na nag-kampeon sa Men's Combat Sambo competition; at sina Patrick Manicad at Jose Rene Mondejar na nakasungkit naman ng bronze medal sa 82kg at 90kg divisions.

Ang Sambo ay isang Russian martial art at combat sport. Ito ay portmanteau ng samozashchita bez oruzhiya, na nangangahulugang "self-defence without weapons.”

Panoorin ang buong ulat ng Unang Hirit dito:

WATCH: Margielyn Didal, Daniel Ledermann naka-gold sa SEA Games 2019 skateboarding event