Showbiz News

WATCH: Kakaibang Maine Mendoza, tampok sa 'Mission Unstapabol: The Don Identity'

By Dianara Alegre

Kakaiba at mas palabang Maine Mendoza ang mapapanood ng fans sa Metro Manila Film Festival entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity.”

Idinirihe ni Direk Mike Tuviera, pagbibidahan nina Vic Sotto at Maine ang pelikula.

Iikot ang istorya ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” sa paghahangad at mga paraang gagawin ni Don Robert Fortun (Vic) na malinis ang kanyang pangalan mula nang maakusahang kriminal. Gagawin din niya ang lahat ng makakaya para makuha ang Pearl of the Orient mula sa kanyang kapatid na si Benjie (Jose Manalo) na nagbabantay dito.

Tampok din sa pelikula sina Pokwang, Jake Cuenca, Wally Bayola, Tonton Gutierrez, Pauleen Luna-Sotto, Jean Garcia at Arci Muñoz.

Mapapanood na ang Mission Unstapabol: The Don Identity sa Disyembre 25.

Panoorin ang Balitanghali report:

WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, excited sa kanilang entry para sa MMFF 2019