Showbiz News

Coney Reyes, ayaw tanungin si Mayor Vico Sotto tungkol sa love life, 'Hindi ako tsismosa.'

By Nherz Almo

Bagamat malapit si Coney Reyes sa kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto, hinding hindi niya raw ito tinatanong tungkol sa love life.

Coney Reyes

“Hindi kasi hindi ako tsismosa,” pabirong sagot ni Coney nang tanungin kung inuusisa niya ang love life ng kanyang anak sa ginanap na press conference ng Love Of My Life noong Martes, January 28.

Matatandaang kamakailan ay naging laman ng balita si Mayor Vico dahil namataan siyang kasama ang TV host na si Gretchen Ho sa isang volleyball game.

LOOK: Netizens ship Vico Sotto and Gretchen Ho

Ayon kay Coney, hindi niya kailangang magtanong sa anak kung mayroon na itong bagong karelasyon.

Aniya, “Kasi alam ko, kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kailangang magtanong.

“Yung mga anak ko, magsasabi 'yon. So, kapag walang sinasabi, e di wala.”

Samantala, sa kanyang panig, hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng love life si Mayor Vico.

“Lahat 'yan pinagpe-pray. We don't have to be anxious about anything.

“But with everything, like prayer and petition with thanksgiving, present your request to God and He will guard your heart and mind with peace that transcends all understanding until the day of Jesus Christ.

“So, I'm not anxious about that because I know that God is preparing him and preparing somebody.

“Ang sinasabi ko lang, protect and preserve the person. Kailangan kasi yung talagang… alam mo na, hindi yung… Kailangan yung talagang gusto ni Lord para sa kanya talaga at saka swak talaga,” pagtatapos niya.

Coney Reyes, aminadong tumanggi sa ilang projects

Coney Reyes reminisces about the start of her career in GMA way back in 1975