Showbiz News

EXCLUSIVE: Viral student Carl Montecido, naghahanda na para sa 'The Ellen DeGeneres Show'

By Jansen Ramos

Kinumpirma ng ex-The Clash finalist na si Carl Montecido na naimbitahan siyang mag-guest sa American talk show na The Ellen DeGeneres Show.

Ito ay matapos mag-viral ang "Too Good At Goodbyes" cover ng 21-year-old Bacolod native sa social media.

International singers Sam Smith and Kelly Clarkson react to viral Pinoy student's cover of "Too Good at Goodbyes"

Sa exclusive phone interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Carl, "Ang tumawag sa 'kin personally is the staff of Ellen. Tinawagan nila ko last week pa so probably mga Feb 8.

“No'ng simula pa lang mag-viral, may mga PM na sila sa 'kin.

“Actually, no'ng una, hindi nga ako naniniwala baka kasi ano, e [manloloko], alam mo naman dito sa Philippines, maraming gano'n. We already checked the profile naman."

Walang paglagyan ang kasiyahan ni Carl matapos magustuhan ng host ng isa sa mga pinasikat na talk show sa buong mundo na si Ellen DeGeneres.

Sambit ng binatang singer, "Sa totoo lang no'ng kausap ko 'yung staff ni Ellen DeGeneres, do'n nila kinonfirm na okay kasi may iba pa kong kinanta bukod sa viral video na 'yun.

“So, pinag-sample pa nila ko, kinuhanan nila 'ko ng video, papakita raw sa boss nila.

“And then, nagustuhan daw ni Ellen, so mararamdaman ko do'n masaya 'ko kasi of all the people here in the Philippines, hindi gano'n kadali makapasok sa industry na ganyan, lalo na at international."

Dagdag pa ni Carl, isang napakamalaking oportunidad ang pag-guest sa The Ellen DeGeneres Show para kanyang singing career kaya hindi siya nag-atubiling umoo.

"Siguro nilu-look forward ko since andito na ko sa platform na 'to, matuloy 'yung music career ko kasi ang daming ko nang malalaking shows na nasalihan pero hindi natutuloy.

“Pero sa bagong pintong bumukas, ito na 'yun. Sana magtuluy-tuloy na siya hindi lang dito, kundi sa ibang lugar."

Visually-impaired na si Carl Montecido, alay ang talento sa Panginoon

Ngayong magkakaroon ng guest appearance abroad si Carl, anu-ano kaya ang mga paghahandaang kanyang ginagawa?

Sagot niya, "Ang mga preparation na gagawin ko, maghahanda ako ng mas marami pang foreign songs kasi ang mga manonood do'n mga foreigners, may mga Pinoy din siguro pero hindi gano'n karami.

“So isa pa siguro sa mga paghahanda ko ay aaralin ko ang show, kung ano ba 'yung mga mechanics do'n, kung ano posibleng gagawin do'n."

Kung siya raw ang masusunod sa kanyang kakantahin, pipiliin niya raw i-perform ang awitin kung saan siya sumikat: ang 2017 hit ng English singer-songwriter na si Sam Smith, ang "Too Good At Goodbyes."

"Yung nag-viral pa rin 'yung kakantahin ko. Siguro mag-me-medley ako ng Sam Smith songs," bahagi niya.

Hindi muna idinetalye ni Carl kung kailan siya lilipad papuntang Amerika para i-shoot ang kanyang guest appearance, base sa pinagkasunduan nila ng American show.

Kabilang sa mga naging Pinoy guest ng The Ellen DeGeneres Show sina Jake Zyrus (dating kilala bilang Charice Pempengco), Marcelito Pomoy, Rhap Salazar, Balang, at Arnel Pineda.

Nicole Scherzinger, Niall Horan, at iba pang international artists, hanga rin kay Carl Montecido

WATCH: Ex-The Clash finalist Carl Montecido, nagpasalamat sa uploader ng kanyang viral video