Showbiz News

LOOK: Lucky A'Tin meets idol SB19 on 'KMJS'; trends on Worldwide Twitter

By Cara Emmeline Garcia

Certified trending ang Kapuso Mo, Jessica Soho dahil isang lucky SB19 fan ang pinakilig ng P-pop group kahapon, February 16,

SB19

Sa show, pinakilala si Kristel Joy, isang certified A'Tin na kinuwento sa KMJS team na halos lahat ng concert ng SB19 ay dinaluhan na niya.

Kaya naman na naisipang sorpresahin ng grupo ang estudyante ng Caloocan National High School na si Kristel para sa isang surprise Valentines Concert na talaga namang nagpakilig sa fans.

Sa Twitter, nag-trend pa kahapon ang hashtag “#SB19onKMJS” sa Worldwide trends ng social media site.

Hindi rin nakapagpigil ang ilang A'Tins sa kilig na nararamdadaman nila habang pinapanood si Kristel na maharanahan at makipagkulitan kasama ang kanyang mga idolo.

https://twitter.com/lor_raineeex/status/1229047494257938433


Ang Korean-inspired P-pop boy group na SB19 ay kinabibilangan nina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin.

Noong Enero, ni-release nila ang kanilang latest hugot dance song na “Alab,” na mayroon nang mahigit 3 million views sa YouTube.

IN PHOTOS: Get to know boy group SB19!

IN PHOTOS: SB19 celebrates successful release of "Alab" music video

WATCH: Bagong single ng SB19 na “Alab,” umabot na sa mahigit 800k views!