Showbiz News

KC Concepcion, ano ang reaksyon nang sabihang kamukha niya si K Brosas?

By Aedrianne Acar

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang bakasyon ng actress at entrepreneur na si KC Concepcion sa Boracay.

Sa Instagram post ni KC, sinabi nito na nakaka-heal ang pagmumuni-muni sa beach.

“Bakit ganun pag nasa beach mapapaisip ka talaga ng malalim... Ano ang mga nangyayari sa buhay mo, saan ka thankful, saan ka magpray ng mas matindi pa, ano ung mga naging good, naging bad, mga memories, lahat na...

“Kaya sabi nila maganda talaga ang mag spend ng time sa beach! Nakaka heal, nakaka ganda," saad ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ilang netizen naman ang nakapansin na may sinagot na isang comment si KC na nakapansin ng pagkakahawig niya sa comedienne na si K Brosas.

Sa halip na magalit, tumugon si KC na wala siyang nakikitang masama na maikumpara kay K na maganda din.

Tugon ni KC Concepcion sa netizen na sinabing kamukha niya si K Brosas

Makikita din sa comment section ng ipinagtanggol ng netizen ang sarili mula sa mga taong tila nabastusan sa comment niya tungkol sa aktres.

Netizen, ipinagtanggol ang sarili matapos ma-bash sa comment niya kay KC Concepcion

Hindi ito ang unang beses na tumugon sa komento ng netizen si KC, lalo na sa kanyang mga basher. Last month, may witty response siya sa isang internet troll na sinabihan siyang “plastic” at “bakla.”

Sa ibang balita, tila may kumpirmasyon din ang kanyang ina na si Sharon Cuneta na hindi sila “in good terms” at matagal na silang walang komunikasyon. Ito ay matapos sagutin ng Megastar ang isang basher na isa siyang “toxic mom” kay KC.

Bukod pa diyan, nali-link din si KC sa singer na si Apl.de.Ap.