Showbiz News

Sharon Cuneta umamin na nagkaroon sila ng hidwaan ni KC Concepcion noong 2018

By Cara Emmeline Garcia

Hindi itinanggi ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang fans na nagkaroon sila ng hidwaan ni KC Concepcion.

Naungkat muli ang isyu nang ma-obserbahan ng isang netizen ang timeline ng hindi pagsuporta ni Sharon Cuneta sa kanyang anak noong naglunsad ito ng isang jewelry line noong 2018.

Ani ng netizen, “I'm sorry pero ngayon ko lang na-observe…

“'Yung launching ng Avec Moi ni KC, 'yung pag-study nya ng gemology, sa lahat ng endeavors ni KC hindi ko kasi kayo narinig. So, pasensya na po.”

Kinumpirma naman ito ni Sharon at ipinaliwanag na noon pa man ay lumaki nang independent ang kanyang anak.

Sambit ni Sharon, “Sa totoo lang may hidwaan kami nung launch ng Avec Moi. Ayaw din niya ipasabi nung una na nag-aaral siya sa States ng gemology.

“Mula nung maliit siya, kahit wala akong tulog at halos sumuka na ng dugo sa pagod, never ako nakamiss ng kahit anong school activity niya.

“She is very independent kasi. But the downside of that is minsan 'di ko na alam ang nangyayari sa anak ko dahil 'di siya nagkukuwento. Late ako lagi makaalam.”

Dagdag pa niya, “Now it will be better. Anak ko si KC at walang puwedeng mas may magmahal sa kanya nang higit sa akin.”

Noong Miyerkules, napatalon sa tuwa ang fans ni Sharon at KC nang mag-post ang Megastar ng litrato ni KC na sumisimbolo umano ng pagbabati ng mag-ina.

Aniya, “Baby #1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her. #stillmybabynomatterwhat #unconditionally #iloveyounowandforever #onlyonemomsyforever @itskcconcepcion”

Malaki naman ang pasasalamat ni KC sa kanyang ina at sinagot ito ni Sharon ng, “You are welcome. I love you no matter what. That will never change.

“No matter what you do, I have taught you right from wrong and I will always trust in God Almighty in the way I have raised you.

“You are a beautiful person and you shall always be my baby. I will always love you with all my heart even if sometimes we cause each other pain. That's normal as no one is perfect.

“But the world may turn upside down and the one hand that won't be letting go of yours even if she falls to her death is your Mama's <3”

Sharon Cuneta, binalikan ang kanyang “revenge body” kay Gabby Concepcion

Sharon Cuneta breaks social media hiatus; fangirls over Hyun Bin and Lee Min Ho