Showbiz News

Online concert nina Jeric Gonzales, Derrick Monasterio para sa COVID-19 frontliners, mainit na tinanggap ng viewers

By Cherry Sun

Hindi raw makapaniwala sina Jeric Gonzales at Derrick Monasterio na makakuha ng mainit na pagtanggap sa kanilang Healing Hearts session.

Live at online na nag-perform sina Jeric at Derek upang makalikom ng donasyon para sa COVID-19 frontliners.

Isang patikim ng kanyang bagong single na “Line to Heaven” ang tinugtog ni Jeric.

Aniya, “Sobrang proud ako doon sa kantang 'yun kasi it was a hit way back '90s and napakagandang kanta ng Introvoys at ni Paco [Arespacochaga].

"So, I'm proud na i-share 'yun sa kanila, na may bago akong single and 'yung nga, doon pa sa Healing Hearts para makatulong sa mga kababayan natin.”

Nagamit din ni Jeric ang kanyang pagiging isang nursing graduate para magbigay-payo tungkol sa tamang handwashing.

Samantala, ang nakuhang song requests ni Derrick halo-halo mula broadway hits hanggang mala-opera.

Hindi man daw siya prepared ay pinagbigyan niya ang request para sa katuwaan at pagtulong.

Wika niya, “Kasi usually ang ginagawa ko pag nagko-cover ako ina-adjust ko 'yung pitch eh. So pag may request, pag live mong ginagawin, minus one, minsan mataas. So minsan mid-song babati ka muna.”

Hinikayat din ng dalawang Kapuso hunks na mag-abot ng tulong ng kanilang viewers kahit nasa bahay lamang. Maaari silang bumista sa www.ticket2me.net at hanaping ang Healing Hearts.

Ang Healing Hearts ay series of online benefit concert upang makalikom ng donasyon at suportahan ang Kapuso Foundation sa pagtulong ng mga kababayang apektado ng COVID-19 crisis ngayon.

GMA Artist Center stars help raise funds through #HealingHearts, an online donation campaign

Panoorin:

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19

LIST: How to help frontliners during enhanced community quarantine