Showbiz News

Boobay, abala sa donasyon para sa frontliners at staff ng comedy bars

By Cherry Sun

Busy ngayon si Boobay para mag-abot ng tulong sa frontliners at staff ng comedy bars. Kasama niya ang kanyang mga kapwa komedyante sa ginagawang donation drive.

Iba't-ibang pakete ng biskwit, kape, at mga delata ang inaayos ngayon ni Boobay kasama sina Pepita Curtis, AJ Tamiza, Nhoi Taleon at Yvona para mamahagi ng tulong ngayong may krisis dahil sa COVID-19. Katuwang din nila sa kanilang relief efforts si Allan K.

Ayon sa post ni Pepita, bibigyan din nila ng donasyon ang mga staff ng Klownz at Zirkoh.

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng ilang celebrities sa mga kababayang apektado ng ipinatupad ni enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Inanunsyo na rin ang extension ng quarantine hanggang April 30.

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, may pangako pagkatapos ang first anniversary ng TBATS

IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians