Showbiz News

WATCH: Full episode of Howie Severino's 'I-Witness: Ako si Patient 2828'

By Cherry Sun

Ipinasilip ni Howie Severino ang kanyang karanasan bilang isang COVID-19 patient sa kanyang special I-Witness documentary, ang “Ako si Patient 2828” na ipinalabas nitong Sabado, April 18.

Dahil sa kanyang aktibong pamumuhay at magandang pangagatawan, hindi inakala ni Howie na tatamaan din siya ng kinatatakutang sakit.

Aniya, “May panibago na namang krisis at ako mismo, hindi lang tagapahayag, kundi nasa gitna mismo ng malaking pagsubok."

Ipinakita sa documentary ang ilang proseso kung paano siya ginamot at inalagaan sa ospital. Sinundan din ang kuwento ng nurse na si Gabriel Lazaro na tumutok kay Howie at hinarap ang sarili niyang pagsubok bilang isang frontliner.

Nagkaroon din ng ekslusibong panayam si Howie sa kanyang kapwa COVID-19 survivor na si Iza Calzado.

Pinalad ang batikang Kapuso broadcast journalist na mapagtagumpayan ang sakit. Kaya naman, sa huli ay sinigurado niyang magpasalamat sa lahat ng frontliners na patuloy na nagseserbisyo at nagsasakripisyo sa kabila ng banta ng COVID-19.

Wika niya, “Salamat sa inyo. Buhay kami, buhay ako.

Panoorin:

RELATED CONTENT:

Howie Severino admits seeing "visions of death" while battling COVID-19

Howie Severino reflects on the new roles of recovered COVID-19 patients

Howie Severino on COVID-19 battle: 'Don't underestimate the power of the mind'