Showbiz News

Kris Bernal, may funny behind-the-scenes video ng 'Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko'

By Cherry Sun

Ibinahagi ni Kris Bernal ang isang nakakatawang behind-the-scenes video mula sa kanyang nakakapanindig-balahibong Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Maaalalang ginampanan ni Kris ang role ni Naomi, ang hindi matahimik na kaluluwang gumugulo sa buhay mag-asawa ng mga karakter nina Megan Young at Rayver Cruz.

Sa isang eksena, nagmulto at nagparamdam siya sa pamamagitan ng pagbasag ng isang plato. Nakakatakot man ang tagpong ito, makikita sa ibinahaging video ni Kris ang nakakatawang blooper ng eksena.

Una, ipinakita kung paano hirap na hirap ang isang production crew sa pagtulak sa dolly upang ipakitang lumulutang ang karakter ni Kris. Matapos nito, ipinakita rin na naka-ilang retake sila dahil hindi mabasag ang platong inihulog ng aktres.

Aniya, “Napakatibay ng platong ito! Decluttering my phone and found BTS videos of my previous shows.”

Decluttering my phone and found BTS videos of my previous shows. 😂

Isang post na ibinahagi ni Kris Bernal (@krisbernal) noong

Ang high-rating na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ang huling TV drama ni Kris.

Ngayong may enhanced community quarantine, abala si Kris sa kanyang negosyo at sa bagong workout routines.

Kris Bernal to hold a webinar about beauty and business

Kris Bernal, may iwas-inip tips habang naka-quarantine

Kris Bernal, may gustong career change dahil sa 'Crash Landing On You?'