Showbiz News

Faith Cuneta, sinabing malaki ang utang na loob sa GMA

By Jansen Ramos

Muling naging matunog ang pangalan ni Faith Cuneta matapos ianunsyo ng GMA na muling ipalalabas ang Pinoy adaptation ng classic Koreanovela na Stairway To Heaven.


Siya ang umawit ng iconic theme song ng programa na pinamagatang "Pag-ibig Ko Sana'y Mapansin," na lubos na nagpasikat sa kanya bilang Koreanovela Diva.

Fifteen years na ang nakararaan nang ini-release ang nasabing kanta na mula sa orihinal na panulat ni Faith, pero hanggang ngayon ay patok na patok pa rin ito.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Faith sa GMA sa paggamit ng kanyang kanta at sa pagbibigay ng oportunidad sa kanya na awitin ang soundtrack ng ilang Koreanovela na ipinalabas sa Network--gaya ng Autumn In My Heart, Winter Sonata, Jewel In The Palace, at original version ng Stairway To Heaven.


Kwento niya sa kanyang Facebook Live seession noong April 17, "Siguro early 2000, d'yan nag-start 'yung mga Koreanovelas natin, 'di ba?

"I remember ang mga theme song dati ng mga Koreanovelas is mga Korean songs talaga s'ya, as in kung ano 'yung naririnig n'yong theme song at that time no'ng Koreanovela na pinapanood natin, 'yun talaga 'yung theme song but it's Tagalized.

"So, may recording company at that time, sila 'yung nag-Tagalized ng songs ng Korean series.

"And because of that, I would also like to thank Joey Abacan for that."

Aniya, malaki ang utang na loob niya sa GMA First Vice President of Program Management na si Joey Abacan, na nag-offer sa kanyang kantahin ang theme song ng ilang Filipino-dubbed K-Drama.

Saad ni Faith, "Salamat dahil ang dami kong utang na loob sa 'yo.

"Kasi, pwede naman i-play at that time 'yung totoong Korean na theme song pero pinili n'yong i-Tagalog at ako [ang napili n'yong kumanta.]

"Maraming, maraming salamat dahil nag-exist ka sa buhay ko.

"Naaalala ko ang dami ko talagang nakanata for Koreanovelas, siguro mga 20."

This coming Sunday, May 17, magkakaroon ng guest appearance si Fatih sa All-Out Sundays: Stay Home Party online show na mapapanood live sa Facebook page ng programa.

Filipino theme song ng Koreanovela 'Stairway to Heaven,' sikat din sa ibang bansa