Showbiz News

Elijah Alejo, inalala ang kanyang karakter sa 'My Husband's Lover'

By Aaron Brennt Eusebio

Muling binalikan ng Kapuso tween actress na si Elijah Alejo ang masasayang alaala niya kasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa set ng My Husband's Lover.

Si Elijah ang gumanap na Munchkin, ang anak ng mga karakter nina Tom at Carla na sina Vincent at Lally.

“Actually, nami-miss ko po maging si Hannah Munchkin,” saad ni Elijah.

“Nakaka-miss din po 'yung bata ka po na anak ka lang tapos po 'yung bine-baby baby ka po.

“Kasi sa set po, kung paano po ako tratuhin nila daddy Tom at mommy Carla, ganun din po [offcam].”

Ayon kay Elijah, hindi niya malilimutan ang bonding nila ni Tom kung saan lagi siyang kinukulit nito.

“Sigaw po ako nang sigaw 'nun actually,” kuwento ni Elijah.

“Sa tent po, kapag umaalis po si mommy ng tent, tatawagin po ako ni daddy Tom tapos bigla niya po akong bubuhatin nang pabaliktad. Hawak niya po 'yung paa ko!

“Tapos pag dumadating po si mommy, bigla niya po akong ibinaba tapos bigla siyang umuupo sa chair niya na parang walang nangyari.”

Muling napapanood ang My Husband's Lover sa GMA Telebabad pagkatapos ng Meant To Be na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

5 reasons why 'My Husband's Lover' is a must-watch
7 most-watched episodes of 'My Husband's Lover'