Showbiz News

Kris Aquino, pinayagan nang makauwi matapos ma-stranded sa Puerto Galera

By Cherry Sun

Masayang ibinalita ni Kris Aquino na home-bound na sila ng kanyang mga anak matapos maipit sa Puerto Galera nang halos tatlong buwan gawa ng enhanced community quarantine.

Matatandaang nagbabakasyon sa Boracay si Kris kasama sina Josh at Bimby nang i-anunsiyo ang pagpapairal ng community quarantine.

Tinulungan sila ni Willie Revillame na lumikas mula sa isla ang mag-anak at kinupkop sila sa Puerto Galera.

Nakabalik na sa Maynila ang Wowowin host upang ipagpatuloy ang kanyang programa habang nanatili sa Puerto Galera ang pamilya ni Kris bilang pagsunod sa enhanced community quarantine.

At matapos ang kanilang pamamalagi roon simula Marso, masayang ibinahagi ni Kris na pinayagan na silang makauwi at makabalik ng Maynila.

Aniya, “We got all our clearances & permits, now we're ready for the 1st part of our journey HOME! Just in time for kuya's birthday tomorrow. (A special thank you to WBR [Willie Revillame] for letting @checkticsay & randy, aka “hello kitty” stay to help us.)

“It's been almost 3 months but everyone at Sunset & the Puerto Galera LGU really made us feel welcome. (Thank you to Doc Oca for helping mend my left hand & Doc delos Reyes for regularly checking kuya josh, bimb, and me.)”

Kahit sensitibo ang kanyang kalusugan, inamin ni Kris na minabuti nilang manatili sa Puerto Galera upang makaiwas na ring maakusahan ng special treatment.

Kris Aquino shows "bad allergic reaction" after drinking wrong medicines

Kris Aquino, nanawagan sa mga kagayang niyang nakakaangat sa buhay na tumugon sa COVID-19 crisis