Showbiz News

KMJS: Sagradong bato, sikreto ng mga sentenaryo ng tribo Blaan?

By Dianara Alegre

Totoo nga kayang nahanap ng isang tribo sa South Cotabato ang “fountain of youth” dahil marami umano sa mga residente rito ay higit 100 taong gulang na?

Sa kabilang ng COVID-19 pandemic, may ilang lugar pa rin sa Pilipinas ang nananatiling ligtas sa sakit dahil wala pang naitatalang kaso rito kabilang na ang bayan ng Barangay Landan sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato, kung saan namumuhay ang indigenous community na Blaan.

Bukod dito, higit sampu sa mga taga rito ang umabot na ng sentenaryo o higit pa! At ang kanila umanong sikreto, isang healing bato?

Ang mahiwaga at higanteng bato raw na ito ay kayang makagamot ng ano mang uri ng sakit.

Ang pinakamatandang residente ng tribong Blaan ay si Yabing Masalon Dulo na 105 taong gulang na ngayong taon.

Ipinanganak siya taong 1914 at dalawang pandemya na sa ating kasaysayn ang kanyang naabutan. Una ay ang Spanish flu taong 1918 at ngayong 2020 and COVID-19 pandemic.

'KMJS': Ang babaeng hindi tumatanda?

KMJS: Zion of God, exempted sa COVID-19?

Samantala, nagagawa pa ni Yabing na maghabi ng tradisyunal na kasuotan ng mga kanyang tribo na kung tawagin ay “Ikat.”

“Ipinagpapatuloy ko ito kasi 'yun ang sabi nila na gumawa raw ako maganda ang disenyo ng Blaan,” aniya.

Pero kahit matalas pa ang mga mata, labis na rin ang pag-iingat niya dahil na rin sa kanyang katandaan.

“Ang sabi ko, 'Ikaw na po ang bahala sa akin Panginoon, magbantay at magpatnubay sa akin,'” dagdag pa niya.

Pero dahil malayo sa mga ospital, kapag nagkakasakit ang mga ito ay nananalangin sila o kaya naman ay nagme-meditate sa Bato Peak, na itinuturing nilang sagradong bato.

Mayroon ditong apat na bato na dinadasalan: bato para sa masaganang buhay, tagumpay, pagpapatawad at mabuting kalusugan.

“Itong Bato Peak, ito talaga ang ritual ground namin, 'yung mga ninuno namin. Naniniwala kami na talagang pampahaba ng buhay itong maibigay ng Bato Peak sa amin dahil nakita namin since time sa mga matatanda namin, walang namamatay na medyo mababa ang edad.

“Tapos 'yung matatanda na 'yun, lagi ditong pumupunta sa Bato Peak. Dito nagri-ritual, nagme-meditate,” pahayag ni Christopher Tiwan, caretaker ng Bato Peak.

MUST-WATCH: Top 10 most viral stories of 'KMJS' this 2019!

Kilalanin ang mga sentenaryo ng tibo Blaan sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: