Showbiz News

Netizens, na-LSS sa official Philippine soundtrack ng 'Misty' na kinanta ni Faith Cuneta

By Cara Emmeline Garcia

Opisyal nang inilabas ang full music video ng “It Must Have Been Love” na itinanghal ni Asianovela Diva Faith Cuneta para sa latest K-drama offering ng GMA The Heart of Asia na Misty.

Ang kantang ito ay isang remake na unang pinerform ng Swedish pop duo na Roxette noong 1986 at ngayon ay nagsisilbing official Philippine soundtrack ng serye.

Panoorin ang buong music video:

Sa official Facebook page ng GMA The Heart of Asia, umani ng papuri ang performance ni Faith mula sa fans at sinabing nakaka-LSS ang napiling kanta.

“Same quality nung kinanta niya ang OST ng 'Stairway to Heaven,' 'Jumong', at 'Jewel in the Palace,'” saad ng isang fan na sinundan pa ng tatlong heart emojis.

Fan reactions sa official music video ng 'Misty.' / Source: OfficialGMAHOA (FB)

Sa panayam ng 24 Oras kay Faith, ikinuwento niya kung paano niya nagawang mag-record ng soundtrack matapos ang ilang buwan niyang nasa loob ng tahanan dahil sa enhanced community quarantine.

Aniya, “Lumabas ako para mag-record kaya ayon, okay naman. Kasi first time ko talagang kumanta in a recording studio after a long time because of COVID-19.

“The studio naman made sure na sanitized [ito], so okay naman. It was an experience for me na I was able to record dito sa pandemic.”

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel:

Mapapanood ang Misty mula Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng Meant To Be.

4 Reasons why K-drama 'Misty' is a must-watch

IN PHOTOS: Get to know the characters in 'Misty'