Showbiz News

Aicelle Santos at Maricris Garcia, nag-collaborate para sa theme song ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Ang magkaibigang Kapuso singers na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia, na parehong former members ng La Divas at former contestants sa Pinoy Pop Superstar, ay sabay na ipinagbubuntis ang kani-kanilang first baby ngayong 2020.

Baby bump photos of Aicelle and Maricris / Source: @aicellesantos and @maricrisgarcia_cruz (IG)

Ngunit hindi lamang ang pagbubuntis ang something in common nila ngayon, dahil magkasama rin silang kakanta ng theme song ng nagbabalik-telebisyon na Wish Ko Lang.

Sa panayam ni Lhar Santiago kay Aicelle sa 24 Oras, sinabi nito na masaya siya at excited sa kanilang collaboration ni Maricris kahit medyo iba ang set up ng recording nila ngayong panahon ng pandemya.

“Sobrang happy and at the same time na-excite kasi I get to sing with Maricris again. Sa iba nga lang na set up kasi magrerecord kami sa kani-kaniyang bahay namin.”

Inilarawan naman ni Maricris kung ano ang dapat asahan ng mga Kapuso sa theme song ng Wish Ko Lang.

"'Yung every word, every lyric na nandoon, very specific. Simpleng-simple, madali siyang maintindihan. Catchy din 'yung melody niya.”

Ngayong July na mapapanood muli sa telebisyon ang programang Wish Ko Lang kaya abangan 'yan at ang theme song nito na inawit nina Aicelle at Maricris.


RELATED CONTENT:

Wish Ko Lang, magbabalik-telebisyon na ngayong July!

Magbabalik ang isang Kapuso program para tuparin ang iyong hiling!