Showbiz News

Alden Richards on BIDA Solusyon campaign: 'We should really follow strict protocols against COVID-19'

By Dianara Alegre

Katuwang ng Department of Health (DOH) si Asia's Multimedia star Alden Richards bilang bago nitong ambassador sa anti-COVID-19 campaign na “BIDA Solusyon.”

Layunin ng bagong kampanyang ito na mapigilan ang paglaki ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa at mapaalalahan ang publiko na laging sundin ang isktriktong protocols laban sa pagkalat ng coronavirus.

“Masaya ako to be part of this campaign kasi nabibigyan ko ng paalala 'yung mga tao na to lessen the cases of COVID-19 in the Philippines and all over the world, we should really follow strict protocols, and 'yun nga, 'yung BIDA acronym,” pahayag ni Alden.

Ang BIDA ay acronym ng mga ipinatutupad na protocols ng DOH kaugnay sa nakahahawang virus: “B-awal walang mask, I-sanitize ng mga kamay, D-umistansiya ng isang metro, at A-lamin ang totoong impormasyon tungkol sa COVID-19."

Ang naturang campaign ay joint initiative ng DOH, United States Agency for International Development (USAID), Laging Handa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), at National Task Force on COVID-19.

Alden Richards shares safety tips for quarantine grocery runners

Alden Richards donates packed meals for less fortunate people

Samantala, mas doble ingat daw ngayon si Alden lalo na at balik-trabaho na siya sa Eat Bulaga. Magbabalik na rin sa telebisyon ang All-Out Sundays: The Stay Home party, kung saan isa rin siyang regular host.

“This is new for me. I will shoot my own content for All-Out Sundays and for other shows. Ito na siguro 'yung pagtingin sa sitwasyon na parang may mga bagay kang makabuluhan na pwedeng gawin na at least maka-cope up ka sa nangyayari sa atin ngayon,” aniya.

Bukod sa pagtatrabaho, nililibang din ng Centerstage host ang kanyang sarili sa paglalaro at pag-i-stream ng online games, na aniya ay pinagkakakitaan niya rin.

Bukod dito, nakakatulong din siya sa viewers niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tablet at cellphone load sa mga chosen participant.

“Niyu-utilize ko 'yung paglalaro ko to also earn. It is a way din of earning and aside from that nag-eenjoy ka na and you make a way to make people happy with what you're doing. At the same time, ang sarap din ng balik sa 'yo,” dagdag pa niya.

Alden Richards holds another live game stream

Alden Richards, nag-camera man sa 'Eat Bulaga'