Showbiz News

Arnold Clavio, balik-taping na sa 'Alisto'

By Aedrianne Acar

Upang mapangalagaan ang kalusugan at safety ng staff sa gitna ng COVID-19 pandemic, minarapat ng pamunuan ng GMA News and Public Affairs na pansamantalang itigil muna ang taping ng mga programa noong mga nakaraang buwan.

Ngayon, unti-unti nang sinisumulan ang taping ilang show, tulad na lang ng programa na Alisto ng GMA News pillar na si Arnold Clavio.

Sa Instagram post ni Igan kahapon, July 16, inanunsyo niya na nagsimula na uli sila na mag-taping matapos ang lockdown.

Saad niya, “First taping of Alisto after the lockdown. Masarap ang pakiramdam na makapaghahandog na naman kami ng mga bagong episodes at videos na makapagpapaligtas ng inyong buhay.

“Huwag maging biktima, maging alisto!!! #alisto @gmapublicaffairs.”

Kamakailan din ibinahagi din ng mga co-host ni Arnold sa longest-running morning show na Unang Hirit ang kani-kanilang experience sa pagbabalik studio.

Tulad nina Suzi Abrera at Lyn Ching, na ipinasilip ang mga pagbabago at safety protocols na kailangang sundin tuwing nagti-taping sa loob ng GMA Network studios.


News personalities at netizens, pinusuan ang 'Savage Love' dance cover nina Mike Enriquez at Arnold Clavio

Super Radyo DZBB is Mega Manila's no. 1 AM radio station