Showbiz News

Kim Domingo, number one supporter ni Faye Lorenzo

By Aedrianne Acar

Sa lalong pagkinang ng bituin ng Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo dahil sa viral sketch niya sa Bubble Gang, laging naka-suporta sa kanya ang kaibigan na si Kim Domingo.

WATCH: Faye Lorenzo, the viral queen of 'Bubble Gang'

Sa Instagram Story ni Kim kamakailan, sinabi nito na sobra siyang proud kay Faye nang makita ang latest feature video nito sa Not Seen On TV ng GMANETWORK.com.

Sa exclusive interview kay Faye Lorenzo noong 2019, nag-react ito noon sa mga nagkukumpara sa kanila ni Kim Domingo.

Saad niya na isang “compliment” ang maikumpara kay Kim.

“Siyempre, flattered naman ako kasi Kim Domingo, 'di ba, kino-compare ka kay Kim Domingo.

“Sa akin naman, hindi naman ako nakikipagkumpitensya.

“'Tsaka si Kim kasi kaibigan ko rin naman siya, 'tsaka magkapatid kami sa management.

“Para sa akin, napakasaya nun. Kumbaga, 'Wow, nako-compare ako kay Kim Domingo.'”

Unang napanood si Faye Lorenzo sa Bubble Gang noong August 5, 2019. Naging official naman siyang kababol noong March 2020.