Showbiz News

Family Time: Grade 10 student sa Cebu city, trending dahil sa pagiging madiskarte

By Aedrianne Acar

Deserving na itampok sa Family Time ni Drew Arellano ang inspiring story ng Grade 10 student na si John Dela Perez mula sa Cebu City.

Sino ba ang hindi mapapabilib sa pagiging madiskarte ni John?

Dahil sa pandemic, natigil sa pagtitinda ang kanyang lola ng banana cue, samantalang ang lolo naman niya ay na-stroke.

Sa halip na magmukmok, nagdesisyon ang amazing kid na ito na magbenta ng lupa na binubungkal niya sa sapa na binibenta o bini-barter niya sa mga certified plantito at plantita ng Cebu.

Bukod pa riyan, gumagawa rin ng mga paso at nagbebenta rin ng halaman si John Dela Perez para extra income.

Sa panayam ng Family Time sa tita ni John na si Lucia Jaime, ikinuwento niya ang kasipagan ng kanyang pamangkin.

Sabi niya, “Pag may baba-barter na o bibili doon kukunin. Tapos minsan pi-pick up-in nila dito, minsan bubuhatin ni John.”

Certified trending ang ginawa na ito ni John Dela Perez at ilang tao na ang nagpaabot ng tulong dito.

Pagpapatuloy ni Lucia, “May nag-chat sa kanya, ano ba daw kailangan pa niya maliban sa laptop.

“Sir, kailangan ko ng tsinelas kasi nadulas ako, [kasi] maulan. 'Yun sinabi niya ayun natawa 'yung nagcha-chat, 'Maliit na bagay bibigyan kita ng tsinelas.'

"Ayun pagkabukas, ayun nagpunta talaga 'yung naka-chat binigyan siya ng tsinelas.”

Sinuklian din ng mga Kapuso ang sakripisyo na ito ni John at mayrun pang nagbigay sa kanya ng laptop.

Aminado siya na mahirap ang kanyang ginagawa.

Sambit niya, “Nahirapan din po, may sugat, may pamamaga. Sakit-sakit sa katawan.

“Happy lang po para sa aking pamilya po, tutulong po ako sa aking lola po.”

Panoorin ang iba pang inspiring story sa Family Time sa video sa itaas.

Mark your calendars, mga Kapuso!

Sa darating na September 14, Monday, mapapanood ninyo ang primetime strip na New Normal: The Survival Guide sa bago nitong oras 9:15 p.m., pagkatapos ng My Absolute Boyfriend.

Family Time: What happens in a rescue operation for a traumatized dog?

Drew Arellano admits to reducing his TV work to spend more time with his family

Family Time: Explaining COVID-19 to your kids

drew_arellano, new_normal, family time, gma news tv, gntv, john_dela_perez, new_normal_the_survival_guide, rss, rssfeed