Showbiz News

Mavy and Cassy Legaspi, jojowain o totropahin ba sina Darren Espanto at Julie Anne San Jose?

By Maine Aquino

Naupo sa hot seat sina Mavy at Cassy Legaspi dahil sa mga pangalang lumabas sa game na jojowain o totropahin.

Kasama nina Mavy at Cassy sa video kung saan sinagot nila ang tanong na ito ang kanilang parents na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.



Unang tinanong si Cassy kung jojowain o totropahin niya ba si Darren Espanto.

Napakanta naman sina Mavy at Zoren sa tanong ng netizen. Sa huli ay isinagot naman ni Cassy na, "Ask Darren."

Sunod na tinanong ng isa pang netizen kung jojowain o totropahin ba ni Mavy ang Asia's Pop Diva at kanyang co-star sa All-Out Sundays na si Julie Anne San Jose.

Sagot ni Mavy, "Totropahin."

Dugtong pa niya na mas okay na tropa lang. Saad ni Mavy, "Mas cool."

Bukod sa twins, una nang naglaro rin ang kanilang mga magulang na sina Zoren at Carmina ng jojowain o totropahin.



WATCH: Zoren Legaspi and Carmina Villarroel's jojowain o totropahin game

Mavy at Cassy Legaspi, inamin kung saan sila hindi magkasundo