Showbiz News

Kim De Leon at Shayne Sava, nag-celebrate ng kanilang anniversary ng pagkakapanalo sa 'StarStruck'

By Maine Aquino

Muling binalikan nina Kim De Leon at Shayne Sav ang kanilang pagkakapanalo sa StarStruck season 7.

Nitong September 15 ay ang anibersaryo ng pagkakapanalo nina Kim at Shayne. Sila ang itinanghal na mga Ultimate Male and Female Survivors ng StarStruck.


Sa post ni Shayne ay nagpasalamat siya sa GMA Network, StarStruck, at sa suportang kanyang natanggap sa pagkakapanalo sa programa.


"Still thankful to my StarStruck fam, GMA & to those people who supported me all the way up until now. I love you guys and I miss you all! thank God for all the blessings He gave me. dream, believe, survive. happy one year. #starstruck7"

Si Kim naman ay in-upload ang video ng kanyang pagkakapanalo at tinawag niya itong Ultimate Day.


"2019/09/15 The Ultimate Day"

Ang StarStruck season 7 ay umere noong 2019. Naging parte ng council sa season na ito sina Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. Host naman ng StarStruck season 7 sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado at Kyline Alcantara.