Showbiz News

Vaness del Moral at Adrian Alandy, ikinuwento ang intense scenes nila with Jean Garcia sa Wish Ko Lang

By Racquel Quieta

Mga mas pinalaki at mas intense na eksena ang dapat abangan sa “Inilibing” episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, starring Jean Garcia, Vaness del Moral at Adrian Alandy.

Sina Jean Garcia at Adrian Alandy sa “Inilibing” episode ng Wish Ko Lang

Ang “Inilibing” episode ay tungkol sa saleslady na si Lorna (Jean Garcia) na katatapos lamang manganak at nadiskubreng may karelasyon palang iba ang kanyang asawang tricycle driver na si Efren (Adrian Alandy).

Kukumprontahin ni Lorna si Efren at ang babae nito na si Sheila (Vaness del Moral) at mauuwi sa isang matinding away ang kumprontasyon.

Ang intense confrontation scene nina Jean Garcia at Vaness del Moral

Aksidenteng mapupukpok ng martilyo si Lorna at mawawalan ito ng malay. Aakalain nina Sheila at Efren na patay na si Lorna, kaya ililibing nila ito sa likod-bahay at magpaplanong tumakas.

Lingid sa kanilang kaalaman, buhay pa si Lorna at muling makakabangon sa hukay upang muli silang harapin.

Si Jean Garcia sa isa sa emotional scenes sa “Inilibing” episode

Ayon kay Adrian Alandy, talagang intense raw ang mga eksena nila sa “Inilibing” episode.

“Bilang Efren, grabe ang intense ng mga eksena niya kapag galit at nananakit siya para makuha lang niya ang gusto nya.

“I just had to make sure na sa mga physical and intimate scenes that I had with my co-actors, eh since matagal na walang acting, I made sure to keep my intensity in check and make sure that comfortable sila sa gagawin ko.”

Dagdag pa ni Adrian, masaya raw siya na mapasama sa Winner September specials ng Wish Ko Lang na talagang mas pinaganda.

“Nakakatuwa na mas intense na ang mga istorya ng Wish Ko Lang, very edgy pero meron pa din hint ng drama and may aral pa din na matututunan.”

Ang kanyang co-star naman na si Vaness del Moral, ikinuwento ang kanyang most memorable scene sa “Inilibing” episode noong virtual press con para sa Winner September specials.

“For me, memorable sa akin yung first time ko ever yung mailublob yung mukha ko sa inidoro.

“Pero siyempre malinis yung toilet. Binili nila yung toilet. So, binitbit 'yon. Hindi siya yung ginagamit talagang toilet seat.”

Ibinulgar din ni Vaness na nilagyan ng plastic wrap ang toilet seat para malagyan ito ng tubig, upang mas maging mas makatotohanan ang kanyang toilet scene.

Ikinuwento ni Vaness del Moral ang kanyang memorable toilet scene sa Wish Ko Lang

“First time ko siyang ginawa sa tanan ng buhay ko sa showbiz. Medyo masarap pala… (Laughs) yung feeling na…alam mo yung para mong nilunod yung sarili mo tapos pag-ahon mo nang ganyan, yung iaarte mo na totoong inidoro 'yon.”

Ibinahagi rin ni Vaness kung ano pinakagusto niya tungkol sa “Inilibing” episode.

“Actually, siyempre hindi ko gusto yung character ko 'di ba dahil isa akong kabit (sa story). Ang gusto ko doon sa character ni Ms. Jean is yung drive niya to fight because she's a mother, na hindi niya pababayaan yung sarili niya, lalong-lalo na yung anak niya.

“Kahit sino'ng magulang, nanay ka man or tatay ka, 'pag nalagay sa alanganin yung pamilya mo, lalaban ka.”

Abangan ang mga intense at mas pinagandang eksena nina Jean Garcia, Vaness del Moral, ast Adrian Alandy sa “Inilibing” episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.

Mga babaeng palaban, bibida sa Winner September ng bagong Wish Ko Lang