Showbiz News

Wanted si Stephanie | 'My Love From Another Star' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Sa ikatlong linggo ng My Love From Another Star, makikita nating nagpapahinga pa rin si Stephanie (Matt Peranee) mula sa kanyang pagkaka-opera. Kaya naman minabuti ni Justin (Nadech Kugimiya) na alagaan siya habang nasa ospital.

Laking gulat na lamang ng ating beloved alien na pumasok ang isang babae kasama ang press sa kwarto ni Stephanie.

Ito pala ang ina ng aktres at hindi na siya nagulat na mukhang may pinagmanahan pala si Stephanie sa kaartehan.

Samantala, napagbintangan si Stephanie sa pagkamatay ni Mina dahil sa patuloy na panunumbat nito sa harap at likod ng kamera. Dahil sa isyu na ito, nagpulong-pulong ang media sa building ni Stephanie para tanungin ang tungkol sa isyu na ito.

Walang nagawa si Justin kundi patuluyin sa kanyang bahay ang kapitbahay upang makapagtago ito sa press.

Tama kaya ang naging desisyon niya? Sino kaya ang totoong may kasalanan sa pagkamatay ni Mina?

Alamin ang lahat ng iyan sa My Love From Another Star mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.