Showbiz News

Rabiya Mateo, excited nang maging representative ng Pilipinas sa Miss Universe

By Dianara Alegre

Ngayon pa lang ay excited na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na sumabak sa international stage bilang kinatawan ng Pilipinas, kalaban ang iba pang mga naggagandagang kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Nang makapanayam ng 24 Oras, sinabi ng 23-year-old Ilongga beauty queen na batid niya ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanya.

“I'm really really happy but at the same time there's pressure na kasi ikaw na 'yung next na magre-represent ng country in an international stage,” aniya.

Samantala, ibinahagi rin niya na siksik na ang kanyang schedule bilang paghahanda sa kumpetisyon.

Mabuti na lamang daw at maunawain ang kanyang long-time boyfriend, na nagtatrabaho bilang nurse sa Maynila.

“He's a very understanding boyfriend naman po.

"I know he knows how busy and my responsibility as a future representative of our country, and it's just a year.

“Six years na po kami. We've been through highs and lows and as of the moment, what I need and I know he's going to give it to me is understanding,” aniya.

Samantala, nananatili pa ring positibo si Rabiya sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap niya dahil sa pagkapanalo bilang ang kauna-unahang Miss Universe Philippines.

“As of the moment, I'm not into my social media. They can do anything that they want but I know myself, I know my core.

“I know there's still a lot of people who loves me who and who will support me in this journey. So, I'm going to focus myself on the positive things,” aniya pa.

Si Rabiya ang nag-uwi ng korona sa first-ever Miss Universe Philippines 2020 pageant nitong Linggo, October 25.

Maari ring mapanood ang video sa itaas, sa link na ito.