Showbiz News

Tekla, tutulungan ni Raffy Tulfo para makuha ang kustodiya ni Baby Angelo

Umatras na si Raffy Tulfo sa pagtulong kay Michelle Lhor Bana-ag.

Sa isang live interview sa kanyang programa kahapon (October 27), ipinahayag niya na hindi na nya tutulugan ang dating live-in partner ni Tekla na si Michelle sa mga reklamong inihain nito kamakailan.

READ: Super Tekla denies allegations by live-in partner

Binawi niya ang suporta kay Michelle dahil tumanggi itong magpa hair follicle drug test. Ito sana ang magpapatunay na inosente ang dating live-in partner ni Tekla sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya.

"Very clear na sa akin...this is now an indication to me na meron ka talagang tinatago, you're lying," ani Raffy.

ipinahayag rin niya na ipapasa na niya ang kaso ni Michelle sa DSWD (Department of Social Welfare and Development).

“Ikaw ay ire-refer namin sa DSWD. Ang DSWD na ang gagawa ng assessment kung karapat-dapat mo bang alagaan 'yung mga pamangkin mo.

“Kasi nga ngayon very clear sa akin na gumagamit ka pa rin,” aniya.

Dagdag pa ng broadcast journalist, sakaling mapatunayang gumagamit pa rin ng ilegal na droga si Michelle ay tutulong niyang alisin ang kustodiya nito sa kanyang anak at mga pamangkin,

“Kung gumagamit ka pa rin, hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng mga bata. You really don't. kaya 'yung DSWD pupunta diyan sa bahay n'yo para gagawin ang assessment.

“Kapag nakita ng DSWD na ikaw ay gumagamit pa rin, ipu-pullout 'yung mga pamangkin mo sa 'yo para wala ka nang kargo,” aniya.

Para naman kay baby Angelo na anak ni Michelle kay Tekla, sinabi ni Raffy tutulungan niya ang komedyante na makuha ang kustodiya ng bata.

“'Yung anak mo, ipatatanggal ko rin dahil gagawa ng assessment ang DSWD. Lilitaw na gumagamit ka pa rin at 'yan ay ibibigay kay Tekla."

Dagdag pa niya, “Ngayon pati anak mo mawawala sa 'yo dahil ipata-transfer ko 'yan kay Tekla.

“Sapagkat nakikita ko hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng bata sapagkat gumagamit ka pa rin. Why? Dahil takot kang magpa-drug test. Meaning, you're still using."

Tinangka pang bawiin ni Michelle ang pag-atras sa drug test at sinabing papayag na itong sumailalim dito ngunit hindi na ito pinaunlakan ni Raffy Tulfo.

Sa gitna ng mainit na issue, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens. Ngunit hindi iniwan si Tekla ng kanyang mga kaibigan, sa halip ay ipinagtanggol pa nila ang komedyante.

Sa kanyang Facebook account nagpasalamat si Tekla sa mga naniwala sa kanya at nanawagan na tigilan na ang pang-ba-bash kay Michelle at sa pamilya nito.

“Salamat Panginoon. Salamat Donita, Mommy Rose at mga kaibigan kung hindi ako iniwanan at handang ipagtanggol ako. Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo maisa-isang lahat. Pipilitin kung bumangon at magsimula. Nanaig na ang katutuhanan, wag na nating husgahan at i-bash pa si Michelle at pamilya nila."

IN PHOTOS: Triumphs and challenges of Super Tekla