advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Triumphs and challenges of Super Tekla

1 of 37

Romeo Librada

Galing sa isang broken family si Super Tekla o Romeo Librada. Naninirahan siya noon sa kabundukan ng North Cotabato. Walo silang magkakapatid ngunit nawalay sila sa isa't isa nang namatay ang kanilang ina noong nine-months-old pa lamang si Tekla.

2 of 37

High school

Lumaki si Tekla sa kanyang lolo. Nagbenta siya ng mga tanim upang mapag-aral ang sarili at nakatapos siya ng high school.

3 of 37

Pagiging bading

Elementary pa lamang daw si Tekla ay alam na niyang bading siya. Pangarap niya raw na maging isang singer.

advertisement
4 of 37

Maynila

Lumuwas sa Maynila si Tekla noong 22 taong gulang siya at umasang dito niya matutupad ang kanyang mga pangarap.

5 of 37

Umibig sa lalaki

Nagkaroon ng relasyon sa isang lalaki si Tekla at umabot ito ng isang taon. Nasaktan daw si Tekla matapos siyang iwan ng kanyang boyfriend dahil sa isang babae.

6 of 37

Umibig sa babae

Naguluhan daw si Tekla sa kanyang gender preference nang makilala si Irene. Nakilala niya ito sa isang tindahan at mula raw noon ay nahulog na ang kanyang loob sa babae at hindi na niya ito pinakawalan.

advertisement
7 of 37

10 years

Sampung taon ang itinagal ng relasyon nina Tekla at Irene at biniyayaan sila ng anak. Naghiwalay sila dahil lumalim na ang problema sa kanilang pagsasama.

8 of 37

Anak

Ngayon ay nasa pangangalaga ng biyenan ni Tekla ang kanyang anak.

9 of 37

Construction worker

Dito sa Maynila, pinasok ni Tekla ang pagiging construction worker upang mayroong makain.

advertisement
10 of 37

Videoke

Mahilig daw kumanta sa mga mall si Tekla. Habang nasa videoke, nakilala niya ang kanyang tinawag na fairy god mothers na sina Tolits at Jimmy, ang mga taong naglapit sa kanya sa kanyang pangarap.

11 of 37

Punchline

Dinala nina Tolits at Jimmy si Tekla sa Punchline, isang comedy bar sa Quezon Avenue, Quezon City. Inimbitahan si Tekla sa stage at kinanta niya ang 'Power of Love' ni Celine Dion. Natuwa ang audience sa galing ni Tekla sa pagkanta at umabot ang tip na kanyang nakuha sa Php 35,000.

12 of 37

Komedyante

Naging regular performer na si Tekla sa Punchline. Nag-umpisa ang kanyang talent fee sa Php 300 hanggang sa umabot ito sa Php 1,200. Tuluyang nang naging komedyante si Tekla at marami na ring mga raket ang dumarating sa kanya.

advertisement
13 of 37

Bisyo

Ngunit dahil iniwan ng kanyang pamilya at dala na rin ng kalungkutan, mali ang landas na tinahak ni Tekla. Gumamit siya ng bawal na gamot at dito na nagsimula ang kanyang pagbagsak.

14 of 37

Ipon

Naubos daw ang lahat ng ipon ni Tekla. Pati ang kanyang mga kaibigan sa comedy bar ay nagalit sa kanya dahil sa kanyang bisyo.

15 of 37

Fan

Isa lamang daw ang tumulong kay Tekla sa panahong dapang-dapa na siya, ang kanyang fan na nakatira sa Pasay City.

advertisement
16 of 37

Donita Nose

Nagulat na lamang daw siya nang imbitahan siya ni Donita Nose, ang kanyang katrabaho sa Punchline noon, na maging contestant sa 'Wowowin.'

17 of 37

First appearance

Sa unang pagkakataon ay lumabas si Tekla sa 'Wowowin.' Naging viral ang video ng kanyang appearance sa naturang Kapuso show.

18 of 37

Pagtanggi

Pag-amin ni Tekla, ilang beses niyang tinanggihan na maging host ng 'Wowowin' dahil wala siyang kumpiyansa sa sarili.

advertisement
19 of 37

Wowowin

Ayon kay Tekla, hindi siya tinigilan ni Donita Nose at napapayag na rin siyang maging host ng 'Wowowin.'

20 of 37

DonEkla

Naging patok na patok si Tekla sa 'Wowowin' lalo na ang tambalang DonEkla.

21 of 37

Kapuso shows

Naging maingay ang pangalan ni Tekla sa telebisyon at hindi lang siya sa 'Wowowin' napapanood kung 'di pati na rin sa ibang Kapuso shows.

advertisement
23 of 37

Droga at sugal

24 of 37

Pasasalamat

Hindi nakalimot si Tekla na magpasalamat at magpakita ng utang na loob. Naging pahayag niya, “Kuya, never ako nagkaroon ng sama ng loob kasi 'yung binigay mo sa 'kin, though it's not just the financial, inaani ko na siya at aanihan at aanihin pa. Sabi ko nga, hindi ako mahihirapan magsimula.”

25 of 37

Kapuso

Ayon kay Tekla, malaki raw ang kanyang utang na loob sa GMA at patuloy siyang magiging Kapuso kahit na wala na siya sa kanyang unang programa.

advertisement
26 of 37

Artist Center

Pumirma ng kontrata si Tekla sa GMA Artist Center at nahanay sa mga Kapuso artists.

27 of 37

Parangal

Nakatanggap din ng parangal at iba't ibang pagkilala si Tekla dahil sa kanyang talent.

28 of 37

TBATS

Nabiyayaan si Tekla ng isang comedy show kasama ang kanyang kapwa komedyante na si Boobay. Ang kanilang tandem ang bumuo ng 'The Boobay and Tekla Show.'

advertisement
29 of 37

Kiko en Lala

Mula sa pagbida sa telebisyon, bumida na rin si Tekla sa takilya. Ginampanan niya ang double title role sa pelikulang 'Kiko en Lala.'

30 of 37

Baby Angelo

Noong June 2020, nabiyayaan si Tekla at ang kanyang live-in partner na si Michelle Bana-ag ng isang anak, si baby Angelo. Isang blessing ang bata ngunit nasubok muli ang komedyante dahil ipinanganak ang sanggol na walang butas sa kanyang puwit.

31 of 37

Akusasyon ng live-in partner

Naging maugong ang pangalan ni Tekla nang ireklamo siya ng kanyang live-in partner. Gayunpaman, itinanggi ng komedyante ang mga akusasyon sa kanya.

advertisement
32 of 37

Hiwalay

Hindi na itinuloy ng kanyang live-in partner ang pagsampa ng kaso laban kay Tekla ngunit ang kanilang relasyon ay nauwi na sa hiwalayan. Gayunpaman, nagkasundo pa rin silang parehong gagampanan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa kanilang anak na si baby Angelo.

33 of 37

Sariling bahay

Nakabili na ng kanyang sariling bahay si Tekla. Ipinasilip niya ang kanyang bagong tirahan sa February 4 vlog ng DonEkla in Tandem.

34 of 37

Townhouse of Tandem

Maliban sa kanyang bagong bahay, magkasama rin sina Tekla at Donita Nose sa kanilang Townhouse of Tandem. Dito ginagawa ng dalawa ang kanilang vlogs.

advertisement
35 of 37

Pagbalik sa bisyo at sa dating live-in partner

Nitong April 2021, muling humarap sa isyu si Tekla nang marami ang nakapansin sa kanyang biglang pagpayat. Naging bali-balitang bumalik na ito sa bisyo lalo na't napapadalas ang kanyang pagbisita sa kanyang dating live-in partner. Paglinaw ng komedyante, nagsimula na siyang mag-diyeta dahil hindi na magandang panoorin sa TV ang kanyang pagbigat. Ipinaliwanang din niyang ang pagpunta niya sa bahay ni Michelle ay para lamang asikasuhin si baby Angelo.

36 of 37

40th birthday 

Sa kabila ng mga isyu na kanyang kinaharap sa mga nagdaang taon ay masaya pa ring ipinagdiwang ni Tekla ang kanyang 40th birthday sa isang episode ng The Boobay and Tekla Show.

37 of 37

Mensahe mula kay Aira

Isa sa mga nagbigay ng mensahe para sa kaarawan ni Tekla ay ang kanyang panganay na anak na si Theora Aira na kasalukuyang nasa Bacolod.

advertisement
38 of 37

1M YouTube subscribers

Masaya ring ibinahagi ni Tekla sa isang social media post na umabot na sa one million ang bilang ng kanyang subscribers sa kanyang YouTube channel.