Showbiz News

Kristoffer Martin renews contract with GMA-7, his home network for 11 years

By Aedrianne Acar

Mananatiling Kapuso ang actor-singer na si Kristoffer Martin matapos itong pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Big break na maituturing ni Kristoffer ang pagganap niya bilang young Johnny sa Pinoy-adaptation ng Koreanovela series na Endless Love. At sa loob ng 11 taon, nanatili siyang loyal sa kanyang home network.

Sa panayam kay Kristoffer ng GMANetwork.com sa grand virtual media conference niya kaninang umaga, June 29, natanong ang aktor kung paano niya isasalarawan ang last 11 years being a Kapuso.

Sambit niya, “Ako happy ako!

“Roller coaster kasi siya. Ganun naman talaga sa industry roller coaster talaga, pero magfo-focus ka dun kasi talaga sa [good things].”

Taos-puso rin ang pasasalamat niya sa GMA-7 na malaking ang ambag sa natanggap niyang award noong 30th PMPC Star Awards for Television. Nasungkit niya ang trophy for Best Single Performance by an Actor.

Dagdag niya, “Lahat ng projects na nagawa ko kasi, alam ko nabigyan ko ng mark, e. Tapos sabi ko nga si GMA lang nagbigay ng awards sa akin--bukod tangi, bukod tangi sa GMA ko nakuha ko 'yung award ko. Happy ako sa mga binibigay nila na projects talaga.

“Sabi ko nga lagi kong ibibigay talaga 'yung best ko no matter what the role is, gagampanan ko 'yung role kasi ibinigay nila sa akin, ipinagkatiwala nila sa akin.”

Naka-focus din ang Kapuso actor na ma-achieve ang longevity sa career bilang artista at nangako ito na mas pagbubutihan niya ang kanyang trabaho sa kanyang mother network.

Wika niya, “Ine-expect ko na mga next few years ang role ko tatay na or tito, joke [laughs]

“Longevity talaga, longevity talaga [habol ko]. Kasi sabi ko 'pag mahal mo na kasi 'yung trabaho , 'yun kasi 'yung focus mo, kasi ako hindi ko nakikita sarili ko [na] aalis sa industry na 'to. Talagang, hanggang sa [ano man mangyari] nandito lang ako, kasi nga mahal ko 'yung trabaho ko, mahal ko na 'tong ginagawa ko.

“Mahal ko na 'yung craft, so I'll do everything the best I can para mag-stay pa [and] to do better, mas maging better every project.”

Ilan sa past projects ni Kristoffer ang telefantasya series na Victor Magtanggol (2018) at huli siyang napanood sa afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat (2021) kung saan gumanap siya bilang Joel.

Exciting din ang next project niya, dahil malapit na siya mapanood sa prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kung saan makakasama niya sina Sef Cadayona at Mikee Quintos na napiling i-portray ang young Pepito at Elsa.

Kabilang din sa cast sina Pokwang, Kokoy de Santos, at Gladys Reyes

Congratulations and more power, Kapuso Kristoffer!

Silipin naman ang ilan sa bagong talents ng GMA Artist Center ngayong 2021 sa gallery below.