TV

Kokoy de Santos, makakasama sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

By Aedrianne Acar

Opisyal na kinumpirma ngayong araw, June 22 ang gaganap sa role ng batang Patrick sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Matatandaan na unang inanunsyo na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos ang gaganap bilang Pepito at Elsa sa upcoming prequel ng multi-awarded sitcom.

Sa Instagram story ng award-winning comedian na si Sef, ipinakilala na niya ang kanyang makaka-tandem at best friend ni Pepito, si Kokoy de Santos.

Nakikilala si Kokoy para sa mahusay niyang pagganap sa 2019 Cinemalaya movie na 'F#*@bois (aka Fuccbois)' kung saan nakasama niya ang Kapuso hottie na si Royce Cabrera at ang versatile actor na si Ricky Davao.

Bumida din si Kokoy sa Boys Love (BL) series na Gameboys kung saan nakapareha niya si Elijah Canlas.

Kahit naka-season break ang original cast Pepito Manaloto, may partisipasyon pa rin sa nalalapit na prequel sina Michael V. at Manilyn Reynes.

Kung maalala n'yo hindi lamang lead star si Bitoy sa show, kundi tumatayo din siya bilang creative director.

Samantala, ang well-loved comedienne naman na si Pokwang, na kakapirma pa lang ng kontrata sa Kapuso Network noong June 18 ay kasama rin sa proyektong ito.

Malalaman na ba natin kung bakit nahilig sa hotdog ang best friend ni Pepito na si Patrick?

Manatiling nakatututok GMANetwork.com para sa exclusive updates tungkol sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.