Showbiz News

Game of Affection: Ang paghihiwalay ng mga magulang ni Nikki

By Aimee Anoc

Sa unang linggo ng Game of Affection, malaking rebelasyon ang sumalubong kay Nikki (Taew Natapohn Tameeruks) sa pagbabalik niya mula sa London dahil nalaman nitong divorced na ang kanyang mga magulang na sina Wyatt at Wilma (Chai Chatayodom Hiranyatithi at Tanya Tanyares Engtrakul).

Dahil sa labis na pagmamahal para sa pamilya, hindi matanggap ni Nikki ang katotohanang hiwalay na ang kanyang mga magulang.

Sinundan niya ang kanyang ina na inaakala niyang may ibang lalaki pero ang kababata niya lang pala ito na si Lucky (James Jirayu Tangsrisuk). Inihatid ni Lucky si Wilma sa party nito para sa selebrasyon ng pagiging single ulit.

Si Lucky ang kababata ni Nikki na inampon ng kanyang mga magulang dahil ulila na ito.

Samantala, nag-eskandalo naman si Nikki sa press conference ni Khae (Gul Amena), dating beauty queen, nang malaman nitong si Khae pala ang babaeng ipinalit ng kanyang ama kay Wilma. Mas lalong hindi matanggap ni Nikki ang katotohanang ito dahil halos kasing edad niya lamang si Khae.

Lumayas si Nikki sa kanilang bahay at muntik na itong masagasaan. Nagpanggap naman si Nikki na nasaktan at nagpadala sa ospital. Dahil sa pag-aalala para sa kanya, agad na nagpunta ang kanyang mga magulang sa ospital.

Nagdesisyon naman si Wilma na bumalik na sa kanilang bahay para maalagaan si Nikki. Ginawang paraan ni Nikki ang pagpapanggap na naaksidente para muling makasama ang mga magulang sa kanilang bahay.

Patuloy na panoorin ang Game of Affection sa GMA Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga.

Balikan ang mga eksena sa Game of Affection:

Game of Affection: Nikki's parents get divorced

Game of Affection: An accidental kiss

Game of Affection: Lucky saves Nikki's life

Game of Affection: Nikki embarassed Khae in her own event

Game of Affection: Nikki runs away from home

Game of Affection: You're busted Nikki