Showbiz News

Boyfriend-coach ni Hidilyn Diaz, alam na masusungkit niya ang gintong medalya sa Tokyo Olympics

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi naging madali ang paglalakbay ni Hidilyn Diaz upang makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa ginaganap na 2020 Tokyo Olympic Games.

Parehong nakapagbuhat ng 97kg sa snatch sina Hidilyn at ang kanyang mahigpit na katunggali na si Liao Qiuyun ng China.

Sa clean and jerk, ang pinakamabigat na nabuhat ni Liao ay 126 kg upang makakuha ng total na 223 sa parehong snatch at clean & jerk.

Pagkatapos nito, binuhat ni Hidilyn ang barbell na may bigat na 127 kg upang masungkit ang kaunaunahang ginto ng Pilipinas at gumawa ng bagong Olympic record.

Sa vlog ni Hidilyn pagkatapos niyang masungkit ang gintong medalya, tinanong niya ang kanyang coach at boyfriend na si Julius Naranjo kung ano ang masasabi nito sa kanyang performance.

Tanong ni Hidilyn, "What is your reaction today after I've [lifted] the 127 [kg]?"

Sagot ni Coach Julius, "I believed it. The moment you stood it up, I knew you were gonna jerk it."

Nang tanungin naman si Coach Julius kung paano nila pinaghandaan ang Olympic games, sinabi nitong higit pa sa physical strength ni Hidilyn ang kanilang ginawa.

"We just try to make sure that you hit 90 in training, 94 in training twice for our heavy loads.

"We just built your confidence. It was more of your physical strength is there but if you're not confident then you can't use it to your full potential."

Samatala, alamin kung paano nagsimula ang relasyon nina Hidilyn at Coach Julius dito: