Showbiz News

Julie Anne San Jose, natuwa nang mapabilang sa Top 3 ang kanyang bagong single na 'Kung Wala Ka'

By Dianne Mariano

Kalalabas pa lamang ng bagong single ni Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose na pinamagatang “Kung Wala Ka” at agad itong napabilang sa Top 3 sa Itunes.

Ayon sa report ni Lhar Santiago ng 24 Oras, tuwang-tuwa si Julie Anne nang malaman na nangunguna agad ang kanyang latest single sa naturang music chart matapos ang release nito.

“Actually, theme song 'to ng Mr. Queen. So sa lahat ng mga Kapuso natin na mahilig sa Korean dramas, kailangan niyo 'to abangan kasi isang senti song ang maririnig n'yo gabi gabi,” pagbahagi ng Kapuso singer.

Ramdam din ang hugot sa pagkanta ni Julie Anne sa kanyang latest single na unang inawit ng Pinoy band na Hale.

Aniya, “Every time na naririnig ko siya nakakasenti lang talaga and it deserves a senti rendition.”

Maliban dito, excited na excited na rin ang Kapuso star para sa kanyang papalapit na concert na Limitless, A Musical Trilogy na gaganapin ngayong Biyernes.

“I'm so so excited kasi I have never done anything like this before 'yun parang alam 'yon lagi ako nakikita as a singer, palagi nagpe-perform, nagho-host. But first time ko din na makikita ako ng tao na 'regular person din pala si Julie,'” pagbahagi ng aktres.

Isa sa mga ipinagmamalaki ni Julie Anne ay kung paano ipapakita ang kagandahan at kultura ng Mindanao sa unang bahagi ng kanyang concert.

“'Yung mga hidden gems ng Mindanao, ng Pilipinas. I will be sharing my music as well,” wika niya.

Samantala, tingnan ang behind-the-scenes ng unang bahagi ng Limitless, A Musical Trilogy ni Julie Anne San Jose na “Breathe” sa gallery na ito: