Showbiz News

Kylie Padilla, babasagin ang katahimikan sa eksklusibong panayam sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Marah Ruiz

Babasagin na ni Kapuso actress Kylie Padilla ang kanyang katahimikan tungkol sa mga isyung hinaharap niya.

Nagpaunlak ng isang eksklusibong panayam si Kylie kay award-winning broadcast journalist Jessica Soho sa kanyang top-rating magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

"KYLIE PADILLA, MAGSASALITA NA SA MGA PARATANG NA PINUPUKOL SA KANYA! Ang eksklusibong panayam sa kanya ni Ms. Jessica Soho, 'wag palalampasin, ngayong Linggo sa #KMJS!" lahad ng official Facebook page ng KMJS.

Matatandaang tahimik na naghiwalay sina Kylie at Aljur, na nagkasundong mag-focus sa "co-parenting" nila sa kanilang dalawang anak.

Pero sa isang panayam, isiniwalat ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na "third party" daw ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Nali-link naman si Alur sa newbie actress na si AJ Raval at piniling basagin ang kanyang katahimikan sa isang mahabang Facebook post na nag-viral.

"Kylie please tell them the truth. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you, not on our family. The people deserve to know," saad ng isang bahagi ng post ni Aljur.

Tila tumugon naman si Kylie sa post ni Aljur sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories.

"Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes," sulat niya.

Abangan ang eksklusibong panayam ni Jessica Soho kay Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, 8:40 p.m., October 24

Samantala, silipin ang ilang jaw-dropping photos ni Kylie sa gallery na ito: