Showbiz News

Kylie Padilla, kamusta na matapos ang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica?

By Aaron Brennt Eusebio

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak na ng panayam ang aktres na si Kylie Padilla upang pag-usapan ang hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabi ni Kylie na magkahiwalay pa rin ang kanilang setup ni Aljur pero masaya siya dahil sa bago niyang bahay.

"For now, for now 'yung setup namin is magkahiwalay pa rin," paliwanag ni Kylie.

"I'm really good actually, sobrang saya ko kasi talagang 'yung bagong bahay, inayos ko talaga para at least it feels like a home para sa mga bata.

"Maganda lang 'yung vibes sa loob nung bahay."

Sa vlog ni Ogie Diaz na ini-upload noong July 7, inamin ni Robin Padilla, ang ama ni Kylie, na naghiwalay na ang kanyang anak at si Aljur.

Matapos ang pahayag ni Robin, nagbigay ng statement si Kylie kung saan sinabi niyang nakatuon ang kanilang atensyon sa pagkakaroon ng "co-parenting relationship."

Kasabay nito, lumipat na rin ng bahay si Kylie kasama ang dalawa nilang anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Sa ngayon, nagsilbing therapy ni Kylie ang LGBTQIA+-themed online series nila ni Andrea Torres na BetCin.

Kuwento ni Andrea, mabilis silang naging komportable ni Kylie sa isa't isa kaya madali lang nilang nagagawa ang mga daring na eksena.

Saad niya, "Noong first, parang ang concern ng [production] is kung kaya naming gawin 'yung intimate scenes, kung ano 'yung mga limitations namin."

"Pero ang ending, dagdag kami nang dagdag dalawa."

Dahil sa mga pinagdaanan nilang dalawa sa totoong buhay, bilib sina Kylie at Andrea sa tapang at kung paano nag-mature ang isa't isa.

Ani Andrea, "She's okay, parang hindi na niya kailangan ng advice, parang na-compartmentalize na niya 'to."

"And nung nakausap ko siya, sobrang nag-mature si Kylie, as in. Nakaka-proud."

Pagtatapos naman ni Kylie, "Uy si Andrea talagang idol 'yan sa pag-handle sa relationship."