TV

Jaclyn Jose, gaganap na ina ni Kylie Padilla sa 'Bolera'

By Aimee Anoc

Isa sa dapat abangan sa upcoming GMA drama series na Bolera ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Sa Instagram, ipinasilip ni Jaclyn ang isa sa mga eksena niya bilang si Tessa Fajardo, ang ina ni Joni na binibigyang-buhay naman ni Kylie Padilla.

Magiging supportive na ina kaya si Tessa sa pangarap ni Joni na makilala sa mundo ng billiard?

Makakasama rin nina Jaclyn at Kylie sa serye na ito sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, at Al Tantay.

Mapapanood ang Bolera soon sa GMA.

Samantala, tingnan ang throwback photos ng batikang aktres na si Jaclyn Jose sa gallery na ito: