Showbiz News

Ruru Madrid, naniniwalang importante ang pagpapakatotoo para maging mahusay na aktor

By Maine Aquino

Malaking tulong para kay Ruru Madrid ang mga aral na natutunan at ang mga nadiskubre niya sa sarili nang sumali siya sa acting workshop.

Pag-amin ni Ruru sa YouTube channel ng Sparkle, nadiskubre niyang mas may malalim pa siyang natutunan dahil sa pagiging parte ng acting workshop.

Saad ng Lolong actor, "Akala ko before ang workshop is all about like mabigyan ka ng self-confidence, mawala 'yung hiya. Pero noong nakapag-try na ako ng mga workshops, hindi lang pala 'yun. Ito 'yung mga nagiging sandata namin everytime na may laban kami."

Photo source: @rurumadrid8

Dagdag pa ni Ruru, naging importanteng parte ito ng kaniyang career dahil sa nadadala niya ang mga natutunan sa acting workshops sa iba't iba niyang mga proyekto.

"Every time na meron akong mga bagong projects, ito 'yung mga baon ko. Ito 'yung mga bagay na, 'yung mga tipong hindi ko naiisip before, ngayon na nakapag-workshop ako, kaya ko na siyang isipin. Ang dami ko nang hugot. Ang dami ko nang naibibigay na buhay po para sa aking karakter."

Dahil sa pagsali sa acting workshops, mas napamahal si Ruru sa kaniyang trabaho bilang aktor.

Ayon kay Ruru, "Sa workshop, I think, mas naging motivated ako. Mas lumalabas 'yung fire, mas nakakatulong siya sa akin personally sa mental health ko. Nanunumbalik 'yung pagmamahal ko sa craft ko.

Dugtong pa ni Ruru, "Doon sa mga bagay na natututunan ko, nagkaroon ako ng drive, ng passion, ng commitment so 'yun. 'Yun 'yung tipo ng bagay na panghahawakan mo habang buhay.

Inilahad din ng isa sa Sparkle's Brightest Stars of 2022 na ang acting workshops ay paraan para magpakatotoo sa sarili.

"Puwede kang maging ikaw, kung sino ka talaga. Hindi mo kailangang mag-pretend to be someone else. Hindi mo kailangang mag-pretend na ganito ka or you know, ibahin ang sarili mo kasi sa workshop, the more na totoo ka, mas lalabas 'yung katotohanan doon sa bawat eksenang gagawin mo."

Kaya naman, inirerekomenda niya ang pagsali sa acting workshops tulad ng Sparkle Prime Workshop para dahil maraming aral na mga matututunan dito.

"Of course, hundred percent sure. Ito nga ang pinaka-motto ko sa life, never stop learning."

Alamin ang ilang sparkling career achievements ni Ruru: