Showbiz News

Kris Bernal, nais pa rin bumida sa isang love story matapos maging kontrabida sa 'Artikulo 247'

By Jimboy Napoles

Matapos maging full-time kontrabida sa Artikulo 247, nais pa rin bumida ng versatile actress na si Kris Bernal sa isang love story at balikan ang mga dating roles noon.

Sa isang panayam, sinabi ng aktres na nag-enjoy siya pagiging kontrabida pero isa lamang ito sa mga pangarap niyang gawin bilang isang artista.

Aniya, "Siguro masasabi ko na one of those [dream roles] pa lang kasi hindi pa naman ito 'yun siyempre gusto ko pa rin in the future na makagawa pa rin ako nung mga ginagawa ko before like babalikan ko yung mga roles ko before, gusto ko pa rin 'yung mga love teams ganyan, 'yung mga love story, may ganun pa ako."

Dagdag pa niya, "Gusto ko pa rin gumawa for example ng mga action ganyan, may mga ganun pa akong nakikita for myself, pero ito 'yung isa sa mga na-enjoy ko, 'yung maging kontrabida."

Matatandaan na muling naging matunog ang pangalan ni Kris dahil sa pagganap niya bilang Klaire Almazan sa Artikulo 247 na kontrabida sa buhay ni Jane Ortega na ginagampanan naman ni Rhian Ramos.

Maraming netizens ang nanggigil kay Kris, pero mas marami ang napabilib dahil sa kanyang husay sa pagganap. Sa katunayan, may ilang netizens pa ang gumawa ng parody video ng isa sa kanyang trending na eksena.

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, inaabangan na ng Kapuso viewers kung ano ang kahihinatnan ng mga karakter nila ni Rhian.

Tutukan ang finale week ng Artikulo 247, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!

Samantala, balikan ang naging showbiz journey ni Kris, sa gallery na ito: