TV

Rhian Ramos, nag-enjoy sa campy theme ng 'Artikulo 247'

By Jimboy Napoles

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.

Sa isang panayam, ibinahagi ng aktres na si Rhian na gumaganap bilang si Jane Ortega na na-enjoy niya ang pagiging campy o pinagrabe na mga linya at eksena ng kanilang serye.

Aniya. "I'm grateful for the campy nature of the show."

Kuwento pa ni Rhian, natakot siya noong una sa magiging takbo ng kanilang mga eksena pero natuwa naman siya nang simulan na nila ang taping nito.

"Pero magiging honest lang ako, noong una, takot ako doon, parang hindi grateful yung una kong naramdaman," ani Rhian.

Dagdag pa niya, "Kunwari kapag may away, parang 'Ha? May time pa ba silang magsabi ng lines?' parang ganun kasi sa totoong buhay, wala ng usap-usap sapakan na 'to."

Ang pagiging campy raw ng tema ang mas lalong nagbigay kulay sa kuwento ng serye kung kaya't mas tinatangkilik ito ng mga manonood.

Aniya, "Pero noong time na ginagawa naman namin, I'm grateful for that kasi ang serious ng subject matter natin na dini-discuss doon sa show and parang baka kung wala 'yung part na 'yun mahirap siyang panoorin lalo na in the middle of the day, ang bigat naman ng araw mo kung 'yung serious lang na subject matter ang pag-uusapan natin.”

"It adds some kind of fun and entertainment at the same time kahit ganun yung topic," ayon pa sa kanya.

Sa katunayan, kabisado pa raw ng aktres at kanyang co-stars sa series ang ilang mga campy lines na ginagamit na rin nila sa kanilang normal na pag-uusap.

"Actually 'yun nga yung super memorize namin na mga lines until now. Minsan we will even text it to each other or say it to each other in real life," kuwento ni Rhian.

Subaybayan ang mas umiinit na mga tagpo sa Artikulo 247, Lunes hanggang Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin naman ang ilang fashionable looks ni Rhian sa gallery na ito.