TV

Kris Bernal, confident sa pagiging kontrabida sa 'Artikulo 247'

By Jimboy Napoles

Matapos maging bida sa kanyang mga nagdaang TV projects, nagbabalik teleserye si Kris Bernal bilang isang kontrabida sa kauna-unahang pagkakataon sa GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.

Gumaganap si Kris sa nasabing series bilang si Klaire Almazan, ang trophy wife ng CEO ng G&M accounting firm na si Alfred Gomez na ginagampanan ni Jome Silayan. Si Kris ang magpapahirap sa buhay ng karakter ni Rhian Ramos na si Jane Ortega.

Bagama't first time na maging antagonist sa isang serye, confident naman si Kris sa kanyang performance. Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kanyang excitement sa role kung saan hindi na raw siya ang kawawa at inaapi.

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Aniya, "Because this is my first time as a kontrabida, I'm extremely excited to share that I'm also capable of more than just being the protagonist who is always the kawawa at api-apihan."

Hindi rin inakala ng aktres na magagawa niyang mailabas ang ibang klase ng emosyon bilang kontrabida.

"I was surprised by some feelings that I was able to handle. It's a different aspect of me - my dark side. And, I believe everyone has it in them," ani Kris.

Nais din ng aktres na suportahan din ng kanyang mga fans ang bago niyang role gaya ng pagmamahal nila noon sa pinagbidahan niyang serye noon.

"At the same time, if I'm categorized as kontrabida, I'd like people to appreciate it as well as I'd been the bida for years!," aniya.

Subaybayan si Kris sa Artikulo 247, araw-araw pagkatapos ng Little Princess, 4:15 ng hapon sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin naman ang ilang sexy photos ni Kris, sa gallery na ito.