GMA Logo Sanya Lopez
Photo by: sanyalopez (IG)
What's Hot

Sanya Lopez, muli nga bang mapapanood bilang 'Sang'gre?'

By Aimee Anoc
Published July 13, 2022 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Muli nga bang mapapanood si Sanya Lopez bilang sang'gre sa upcoming spin-off series ng 'Encantadia?'

Sa upcoming spin-off series ng iconic telefantasya na Encantadia, sinu-sino nga ba ang napupusuan ni Sanya Lopez bilang susunod na Sang'gre?

Sa exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Sanya ang tatlong aktres na gusto niyang bumida sa Sang'gre?

"Gusto ko sana sina Bianca Umali, Althea Ablan, at ang pangatlo si Zephanie. Iyan 'yung mga napili ko kasi morena ako 'e, tapos ang kulay rin naman ni Danaya ay morena. So parang ang nasa isip ko sana morena," sabi niya.

Nang tanungin kung muli nga ba siyang mapapanood bilang Sang'gre, agad na sinagot ng aktres ay "abangan."

"Ayoko mo nang magsalita, pero abangan. May mga Encantadics tayong nakaabang d'yan ang masasabi ko lang syempre nasa Encantadia tayo at ito ay tungkol sa Sang'gre, so abangan," sabi ni Sanya.

Samantala, naghahanda ngayon si Sanya para sa upcoming debut single niya under GMA Music, ang "Hot Maria Clara," na mapapakinggan na sa July 15.

Sa kaparehong araw, mapapanood din ang music video ng "Hot Maria Clara."

TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: