Showbiz News

Lianne Valentin, nakatanggap ng birthday surprise sa isang shoot

By Maine Aquino

Kitang-kita ang saya ni Lianne Valentin sa inihandang early birthday surprise sa kaniya ng GMANetwork.com.

Si Lianne ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan ngayong August 16 ngunit nakatanggap siya ng maagang sorpresa sa shoot ng kaniyang Kapuso Profiles feature.

Ang akala ni Lianne ay may kukunan pang ilang detalye para sa kanyang shoot kaya laking gulat niya nang abutan siya ng cake at flowers sa pagbukas niya ng pinto.

Saad ni Lianne sa video, "Pinapakilig ninyo ako!"

Ayon pa kay Lianne, hindi niya inaasahan na may espesyal na handog ang team para sa kaniyang birthday.

"Thank you so much! Ang sweet!"


PHOTO SOURCE: GMANetwork.com

Dagdag pa ng Apoy sa Langit star, "Ang sweet! Kinilig ako oh my god. Akala ko naman kung ano pang meron!"

Panoorin ang cute na reaksyon ni Lianne.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING AT STYLISH LOOKS NI LIANNE: