Malaki man ang kinikita ng ibang celebrities sa pagiging artista at sa kanilang mga endorsements, balewala rin kung hindi sila marunong mag-ipon.
Bukod sa pag-iipon, natuto na rin ang ilang mga artista na magtayo ng sarili nilang mga negosyo para mas magkaroon ng seguridad ang kanilang income at kinabukasan lalo na sa pandemya. Dahil maraming pagbabago ang naganap, naging mas matipid sa pera ang ilang celebrities na pinili na lang mag-donate o magnegosyo muna kaysa masayang ang pinaghirapang ipon.
Mula sa pagtatayo ng online shops, food businesses, o pagbili ng sariling bahay at sasakyan, maraming investments ang ilang mga artista na mula sa pinaghirapan nilang career. Kahit may kaya na sila noon pa, hindi ito naging rason para maging kampante sila. Sino kaya ang mga artistang bongga ang career at malaki ang kinikita pero wais pa rin pagdating sa pera? Hanapin kung sino ang next na #TipidGoals at #IponGoals niyo sa gallery na ito!
Minsang ibinahagi ng “It” girl na nag-iisa ang designer bag na kanyang nabili para sa sarili dahil “kuripot” umano siya. Ayon sa aktres, ang iba niyang mga mamahaling gamit ay bigay lang sa kanya.
Aminadong kuripot rin pala ang tinaguriang “Princess of All Media.” Eighty to 90 percent raw ng kanyang kinikita ay pumupunta sa savings. Natutunan niya ito sa kanyang ina na isa palang Ilokana!
Bukod sa pagiging patok na brand endorser, mahusay rin sa pagtitipid si Alden Richards.
Nakapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya si Alden na mula sa kanyang ipon. Natulungan din niya ang nakababatang kapatid na si Riza Faulkerson na makapagtapos ng pag-aaral.
Isa sa mga Kapuso hunks si Derek Ramsay na bukod sa talento ay wais din sa pera.
Taong 2020 ay ipinakita ni Derek ang kaniyang three-storey modern home.
Hindi nawawalan ng proyekto ang komedyante at host na si Aiai Delas Alas dahil sa kanyang sipag at talento.
Kahit na maraming negosyo at investments ay nagtayo pa rin ng pastry business si Aiai Delas Alas.
Isa sa mga rising Kapuso stars si Ken Chan na minahal ng mga Kapuso dahil sa kanyang mga natatanging roles.
Dahil sa kanyang pagiging wais sa pera ay nakapagpatayo na rin ng ilang gasoline station branches si Ken.
Bukod sa pagiging isang komedyante, wais din sa pera ang celebrity mom at 'TiktoClock' tropa na si Pokwang.
Imbes na mag-shopping, kapansin-pansin na mas pinipili ni Pokwang na maging hands on sa kaniyang growing food business.
Ang pag-aasikaso niya sa kaniyang negosyo ay kadalasang bonding na rin nila ng kaniyang anak na si Malia O'Brian.
Hindi maikakaila na malaki ang kinikita ng 'Start-Up Ph' lead star at Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa kaniyang trabaho bilang isang aktor.
Sa previous interview ng GMANetwork.com kay Alden Richards, ibinahagi niya ang ilang 'wais tips' na natutunan niya sa kaniyang lola tungkol sa pagtitipid at tamang paggastos ng pera kapag naggo-grocery.