Showbiz News

Ashley Ortega on months of training in figure skating: 'Can't wait to announce something big!'

By Aimee Anoc

Ano kaya ang malaking sorpresa ni Kapuso actress Ashley Ortega na may kinalaman sa figure skating?

Sa Instagram, patuloy ang pagbabahagi ni Ashley ng ginagawang training sa figure skating. Noong Linggo, October 2, ipinakita ng aktres ang ilan sa mga larawan mula sa training kung saan nakasama niya ang figure skating champion na si Skye Chua at ang multitalented actor na si Xian Lim.

"Months and months of training... Can't wait to announce something big! This is it," sulat ni Ashley.

Bukod kina Skye at Xian, nakakasama rin ni Ashley sa training si Ina Feleo. Noong Setyembre, ibinahagi ni Ina ang naging pag-eensayo kasama si Ashley kung saan marami ang humanga sa kanilang swabeng pag-ikot at pag-glide sa ice rink.

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

Kamakailan lamang nang bumalik sa kinahihiligang sports si Ashley matapos na maging abala ng apat na taon sa showbiz. Isa rin itong preparasyon para sa kanyang bagong proyekto sa GMA.

TINGNAN ANG ICE-SKATING PHOTOS NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: