Showbiz News

Xian Lim, nakasama sa ice rink ang figure skating champion na si Michael Martinez

By Aimee Anoc

Nakasama sa ice rink ni Hearts on Ice actor Xian Lim ang Olympic figure skater na si Michael Martinez.

Isa si Michael sa mga hinahangaang figure skater sa bansa. Siya ang kauna-unahang skater mula sa Southeast Asia na nag-qualify para sa Winter Olympics.

Noong Linggo, October 9, masayang ibinahagi sa Instagram ng two-time Olympian ang pagkikita nila ng aktor. Sulat niya, "It was awesome seeing you on the ice."

Ibinahagi rin ni Xian ang post na ito ni Michael sa Instagram stories, at sinabing, "Ready na kami for the next [Olympics]."

Dalawang buwan nang nagte-training sa figure skating si Xian bilang paghahanda sa kanyang karakter para sa bagong serye ng GMA na Hearts on Ice, kung saan makatatambal niya si Ashley Ortega.

"I feel very honored to be part of this project, nakakatuwa lang. I've been working so hard to be comfortable sa ice," sabi ni Xian sa interview ng GMANetwork.com.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE RITO: