TV

Figure skating champ Skye Chua, kasama sa cast ng upcoming series na 'Hearts on Ice'

By Aimee Anoc

Makakasama sa cast ng first Filipino figure skating series na Hearts on Ice ang professional figure skater na si Skye Chua.

Kinumpirma ito mismo ni Skye sa naganap ng story conference ng serye, kung saan nakasama niya ang iba pang cast na sina Ashley Ortega, Xian Lim, Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Cheska Iñigo, Kim Perez, Ruiz Gomez, at Roxie Smith.

Ayon kay Skye, sumalang siya sa audition para sa serye. Kuwento niya sa GMANetwork.com, "Syempre at first po napaisip ako kasi zero experience, baka hindi naman po ako matanggap. Pero worth the shot naman sabi ko sa sarili ko. So noong nag-audition ako, natanggap ako. Nagulat talaga ako na nakapasok ako."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ngayon, excited si Skye para sa una niyang serye sa GMA na tampok ang sports na 11 taon nang parte ng buhay niya-- ang figure skating.

"Syempre nakakapanibago kasi finally after ilang years mapapansin na rin 'yung figure skating. Through [this series] mas malalaman ng mga tao na 'O may figure skating pala rito!" sabi niya.

Kahit isa nang professional figure skater, puspusan pa rin ang pagte-training ni Skye sa figure skating bilang paghahanda sa karakter sa serye. Nakakasama rin niya sa training sina Ashley, Xian, at Roxie.

"I'm super grateful na sila Ate Ashley [Ortega], Xian [Lim], Ate Roxie [Smith] ang kasama ko kasi super supportive because this is something na sobrang bago para sa akin. I'm ready to face the challenges and I'm glad I feel comfortable with the people I am working with."

Bukod sa training, patuloy rin si Skye sa pagdalo sa acting workshops. Aniya, "I've been attending [acting] workshops po with Ms. Ana [Feleo]. Trying to get a gauge kung ano ba talaga 'yung kailangan kong gawin, ma-prepare para sa set. Tapos nagpapakuwento rin po ako kina Ate Ash how does it go during taping para at least may idea po ako."

Samantala, abala rin si Skye para sa upcoming Skate Philippines Championships 2022 na gaganapin sa SM Mall of Asia skating rink ngayong October 28-29.

Abangan si Skye Chua sa Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE' DITO: