GMA Logo Rufa Mae Quinto, The Teacher
What's Hot

Rufa Mae Quinto joins the cast of 'The Teacher' with Joey De Leon and Toni Gonzaga

By Jimboy Napoles
Published October 23, 2022 10:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto, The Teacher


Muling mapapanood sa isang pelikula ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa darating Disyembre.

Balik-pelikula ang Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto matapos mapabilang sa cast ng 2022 Metro Manila Film Festival entry na The Teacher na pinagbibidahan nina Eat Bulaga host Joey De Leon at TV host na si Toni Gonzaga.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rufa ang mga larawan niya na kuha sa taping ng naturang pelikula. Spotted dito na kasama ng actress-comedienne sina Carmi Martin, ang mga nauna nang inanunsyong cast ng pelikula na sina Kakai Bautista, at lead stars na sina Joey at Toni.

"Namiss ko kayo. Another blessing...movie naman tayo…MMFF ENTRY 2022.. kami ang inyong 'TEACHER'!" caption ni Rufa sa kanyang post.

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Sa naturang post, binati rin ni Rufa ang direktor ng pelikula at mister ni Toni na si Paul Soriano na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

"Happy birthday to our very good director @paulsoriano1017 Todo na to! Go go go!" ani Rufa.

Maituturing naman na reunion nina Joey at Toni ang nasabing pelikula dahil minsan na ring naging host ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga si Toni noong 2002 hanggang 2005 kung saan nakasama niya ang tinaguriang “henyo master.”

Samantala, Mayo ngayong taon nang magbalik-Kapuso si Rufa nang pumirma siya ng management contract kasabay ng Signed for Stardom event ng Sparkle GMA Artist Center.

SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI RUFA MAE QUINTO SA GALLERY NA ITO: