Showbiz News

Tom Rodriguez, matagal nang hindi nagparamdam kay Carla Abellana

By Jimboy Napoles

Matapang na sumalang sa isang one-on-one interview ang Kapuso actress na si Carla Abellana kasama si Nelson Canlas para sa GMA Integrated News podcast na Updated with Nelson Canlas kamakailan.

Sa nasabing podcast, buong respeto na kinumusta ni Nelson ang aktres matapos ang naging hiwalayan nito sa kanyang dating asawa na si Tom Rodriguez.

Aminado naman si Carla na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya ng mga naging pangyayari sa kanyang buhay sa mga nakalipas na buwan pero moving forward naman siya mula rito.

Aniya, "Basically, I wouldn't know kung ano ba isasagot ko doon e. Kasi ako din hindi ko din kumbaga ma-account for kung ano. But basically time. 'Yun lang siguro, time, rest. Taking care of myself and all, 'yun lang basically. Lahat na nag-fall together para maging better akong Carla today than that time."

Bukod dito, maingat naman na tinanong ni Nelson si Carla kung nagkausap na ulit sila ni Tom.

"I might delete kung hindi mo sasagutin. But I wanna ask na rin... Nag reach out na ba sa'yo si Tom?" tanong ni Nelson.

Mabilis naman itong sinagot ni Carla ng, "No. The last time na nakita ko siya was in February of this year I believe he flew to the United States ng March na nalaman ko sa manager namin because we have the same manager. But since then no...walang no you know phone calls, no text messages, nothing."

"Kahit ikaw sa side niya family niya or family mo?" dugtong pa ni Nelson.

"Since then no...wala talaga ever since. So it's been what? More than 6 months na walang ganung communication. Dahil hindi na rin naging maganda 'yung mga nangyari, seryoso na talaga and ibang usapan na lawyers were already involved mga ganun na umaabot sa point na 'yung lawyers na lang ang nag uusap. So definitely no communication since February mga ganiyan so ang tagal na no anything no phone calls from both ends walang nagre-reach out walang tumatawag walang nag-me-message nothing," ani Carla.

October 2021 nang ikinasal sina Carla at Tom sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas, isang taon matapos silang ma-engage. Ilang buwan lamang matapos ang kanilang kasal, umugong ang isyu ng kanilang biglaang hiwalayan.

Sa ngayon, bukod sa kanyang pagbabalik telebisyon, nakatuon naman ang atensyon ni Carla sa kanyang pamilya, at pagpapatayo ng kanyang dream house.

Mapapanood naman si Carla bilang si Mary Ann Armstrong sa GMA live adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA STUNNING PHOTOS NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO: