GMA Logo pokwang
Source: itspokwang27/IG
What's Hot

Pokwang, handa nang magsimula muli matapos ang hiwalayan nila ni Lee O'Brian

By Jansen Ramos
Published February 4, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI moves in on properties linked to Charlie 'Atong' Ang
Mga sinalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan, hinatiran ng foodpacks ng GMAKF | 24 Oras
Mga Balay sa mga Retiradong Air Force sulod sa Mactan Airbase, Gipangguba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Ipinahayag ni Pokwang na tapos na ang madilim na yugto ng kanyang buhay at handa na muli siyang sumaya kasama ang dalawa niyang anak na sina Mae at Malia.

Ready to start a new life na si Pokwang kasama ang kanyang dalawang anak matapos ang isyung kinasangkutan nila ng dating partner na si Lee O'Brian na nauwi sa hiwalayan.

Matapos ang tell-all interview ni King of Talk Boy Abunda kay Pokwang sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, February 3, ipinahayag ng actress-TV host na tapos na ang madilim na yugto na ito ng kanyang buhay at handa na muli siyang sumaya.

Kalakip ng post ang larawan nila ni Malia kung saan may suot silang artificial na pakpak ng paru-paro na pinaniniwalaang simbolo ng bagong buhay, at larawan nilang mag-iina kasama si Mae at Malia. Si Malia ay anak nila ni Leee.

"Done!!! It's time to fly high and be happy again with my true Love #restartournewlife #behappyagain," sulat ni Pokwang.

Embed:

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Nakakuha naman ng suporta si Pokwang mula sa kanyang mga kasamahan at kaibigan sa show business tulad ng TiktoClock co-star niyang si Rabiya Mateo na inilarawan ang komedyante na "mabuting ina at tao."

Pinatatag din ang loob ni Mamang ng kapwa niya comedienne na si Marissa Sanchez. Mensahe ni Marissa kay Pokwang, "Someday tatawanan mo na lang ang lahat!!!"

Narito ang iba pang artistang nagpaabot ng suporta kay Pokwang matapos ang masalimuot na hiwalayan nila ni Lee:

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Pokwang na mayroon na silang hidwaan ni Lee bago pa ang alitan nila sa negosyo.

Aniya, binigyan niya ng maraming chance ang ex-partner alang-alang sa kanilang anak hanggang sa siya na ang bumitaw dahil sa kawalan ng respeto.

Maluha-luhang inamin din ni Pokwang na pakiramdam niya ay hindi siya minahal ng kanyang dating kinakasama.

Inanunsyo ni Pokwang ang kanilang hiwalayan ni Lee noong December 2021.

Panoorin ang buong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda:

BALIKAN ANG NAGING RELASYON NINA POKWANG AT LEE NA NAKILALA RIN BILANG MAMANG AT PAPANG: