Showbiz News

Alfred Vargas, 'nanginginig' na sa proyekto nila ni Superstar Nora Aunor

By Nherz Almo

Dream come true na itinuturing ni Alfred Vargas ang pagsasama nila ni Superstar Nora Aunor sa pelikula.

Nitong weekend, nagkaroon ng story conference ng kanilang proyekto na ididirehe ni Adolf Alix, Jr. Bukod kina Alfred at Nora, makakasama rin nila ang batikang aktres at direktor na si Gina Alajar.

“I'm very excited to work with the one and only Superstar. First time ko siya makakatrabaho,” sabi ni Alfred sa panayam ng GMANetwork.com kamakailan.

Patuloy niya, “Actually, nanginginig nga ako sa excitement at sa kaba. Isipin mo, makakaeksena ko siya, e, lalo na mapapanood pa ang Himala sa Netflix.

“Talagang grabe, dream come true. One check ito sa bucket list ko kapag napalabas na namin ang pelikula. I could only imagine yung sa red carpet, to walk with Nora Aunor, National Artist pa. For me, yun ang gist ng feelings ko, I'm just excited to work with Nora Aunor.”

Ayon kay Alfred, una niyang tinanggap ang pelikula, na may working title na Pieta, dahil sa istorya at karakter na gagampanan niya.

Dagdag niya, “'Tapos nung nalaman ko na first choice si Nora Aunor, sabi ko, 'Game,' crossed fingers talaga na um-oo siya.”

Dahil dito, sabi ng Unica Hija actor, “Nakakataba ng puso na hindi pala lahat ng projects tinatanggap niya, talagang may dine-decline siya. Suwerte na rin ako na nakikinita niya itong project with me na something worth doing. Di ba, being who she is, the star and national artist that she is, e, nakakataba talaga ng puso.”

Kaya naman, kapag nagsimula na sila ng paggawa ng pelikula, ipinangako ni Alfred, “I will do my best here. Gagamitin ko lahat ng kaalaman ko, talento ko, ilalabas ko talaga rito kasi the Superstar deserves nothing less.”

Bukod sa pelikulang ito, abangan din si Alfred sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Arabella.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MASAYANG PAMILYA NI ALFRED VARGAS SA GALLERY NA ITO: